Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, February 11, 2010

Magresign ka na COMELEC Commissioner Nicodemus Ferrer!

Nagpipigil lang ako talaga pero mukhang hindi bagay sa Commission Election (COMELEC) itong si Nicodemus Ferrer. Sa lahat ng desisyon ng COMELEC palagi siyang nasa maling side. Anu ba ang nasa isip ng walang kwentang commissioner na ito.


Ang latest na kanyang ginawa ay ang pagdeklara na ang asawa ng jueteng lord ng Pampanga na si Lilia Pineda ang nanalong gobernador ng Pampanga noong 2007 elections. Ano ginawa ni Among Ed Panlilio nandaya?

Ito ang naging desisyon ng 2nd Division of the COMELEC. Si Ferrer din ang pangunahing tumutol sa party list na Ang Ladlad, sa kandidatura ni Nicanor Perlas, sa pagpapatalsik kina Isabela Governor Grace Padaca at Bulacan Governor JonJon Mendoza.

Paano naman kaya makakapandaya si Among Ed? Walang pera at lalo pang walang makinarya. Ninakaw ng desisyon na ito ng COMELEC 2nd Division ang mga lehitimong boto ng Pampanga, Isabela at Bulacan. Hindi man ako tagasuporta ni JonJon Mendoza pero sa tingin ko pulitika lang talaga ang dahilan ng lahat ng ito.

Para sa akin panahon na para magresign si Commissioner Ferrer. Dapat na siyang magresign ngayon at manawagan tayo para sa kanyang resignation. Delikado na ang isang commissioner na katulad niya ay manatili sa COMELEC lalo pa sa araw ng halalan.

Commissioner Ferrer LAYAS SA COMELEC!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

sarah said...

i am a capampangan and in behalf of my family we are glad that ex-gov panlilio is out of the capitol! people of pampanga knows better of what has been happening for the past 2 yrs. of his leadership or whatever it is..

David D'Angelo said...

What is happening ba? Nangurakot ba sya o masyado ba syang matuwid kaya hindi magkapera ang mga dating nangungurakot?