Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, February 20, 2010

Tunay na Kahulugan ng Yellow Ribbon (Real meaning of the Yellow Ribbon)

Tila naabuso na ng tuluyan ang ala-ala at kabayanihan nina Cory Aquino at Ninoy Aquino sa nangyayaring halalan ngayon sa Pilipinas. Ang "yellow ribbon" na noo'y simbulo ng paglaban ni Cory Aquino sa diktador na si Marcos at kalauna'y sa muling paglaban niya sa kanyang sakit at sa pagmamahal ng taong bayan ngayon ay nagagamit sa pamumulitika.

Ang yellow ribbon sa Pilipinas ay maliwanag na simbulo ng muling paglaya sa panahon ni Marcos at legacy ni Corazon Aquino. Isang legacy na dapat sana ay hindi mabastos sa halalang ito.



Ako man ay masugid ding tagahanga nina Ninoy at Cory pero kung ito lang ang magiging dahilan ng pagboto ko kay Noynoy ay huwag na lang.

Bukod dito hindi rin totoo na iisa o sa ating bansa lamang ginagamit ang yellow ribbon. Marami itong pakahulugan at pinaggagamitan.

Ang "yellow ribbon" ay ginagamit sa mga patimpalak sa Estados Unidos bilang simbulo na ikaw ay pang-apat o 4th place sa isang contest. (mukhang hindi maganda iyon ah.)

Ginagamit din ang "yellow ribbon" sa International Suicide Prevention Program, simbulo ng pag-alala sa Black Saturday bushfires sa Victoria, Australia, at kamakailan ay ginamit din para sa pagpapalaganap ng kaalaman sa Testicular Cancer, Endometriosis, at Madeleine McCann.

Isa sa pinakapopular na gamit ng yellow ribbon ay ang pagsuporta sa mga sundalong lumalaban sa digmaan sa ibang bansa.  Ginamit ito ng United States at marami pang bansa.

Kung susuriin naman ang pinagmulan ng "yellow ribbobn" ito raw ay mula sa isang "puritan heritage".

"The origin of the yellow ribbons seems likely to have come from out of the Puritan heritage. It was during the English Civil War that the Puritan Army of English Parliament wore yellow ribbons and yellow sashes onto the battlefield."

Kapag sinabing "puritan" nangangahulugan ito na ito ang mga taong naniniwala na sila lang ang may karapatang magmana o magpatuloy ng kapangyarihan. Tinuturing nila ang kanilang sarili na pinili ng tadhana (parang sakto ito ah).


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Mike said...

Mabuhay ang iyong mga pananaw! You have taken the words out of my mouth with:"Ako man ay masugid ding tagahanga nina Ninoy at Cory pero kung ito lang ang magiging dahilan ng pagboto ko kay Noynoy ay huwag na lang."

Again with your indulgence, I am now sharing your blog at my own FB wall. my "puta's" wall is non partisan :)