Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, March 9, 2010

Ang mga TRAPO versus the PRINCIPLED DWELLERS @ 7-11 Elections

Tila ang lahat ay may bias sa eleksyong ito. Hindi ba pwedeng patas ang trato sa lahat ng kandidato? Naiisip ko tuloy na dapat ipagbawal na ang mga surveys tuwing eleksyon eh.

Pati ba naman sa 7-11 ay may bias na rin? Isipin mo lahat ng mga kandidatong pangulo ay may kani-kanilang cup maliban na lang kina Nicanor Perlas, JC delos Reyes, Jamby Madrigal at Eddie Villanueva. Naisip ko tuloy masama ba ito o hindi?

Kung ating papansinin ang pagkakahati ay makikita natin na maaaring tinulungan pa nga ng 7-11 ang mga taong mag-isip.

Ang naunang 5 na may sariling cup ay mga kandidatong masasabi nating mga TRAPO o Traditional Politicians samantalang ang pinasama-samang lima maliban sa nadisqualify na si Acosta ay mga alternative candidate o tinatawag din na PRINCIPLED DWELLERS.

Sabihin na natin na masama talaga ang pangyayaring ito dahil tila pati ang eleksyon at pagpili ng kandidato ay commodified na o ginagawang negosyo pero mahalaga pa rin na makita ang simbulismo sa likod nito.

Tila sa paningin ng management ng 7-11 ay hindi dapat pag-aksayaan ng oras at gastos ang 4 na kandidatong nangungulelat sa survey dahil hindi naman ito mananalo para sa kanila. Pero tama ba ito?

Hindi ba ang lahat ay dapat pantay-pantay may pera man sila o wala, sikat man o hindi?

Kung nais ng 7-11 na makatulong sa publiko hindi ba dapat ito ang ginawa nila at hindi nakiisa sa mga survey na nagbibilanggo sa kaisipan ng bawat Filipino.

Kayo po ang bahala mga mambabasa... boboto ba ulit kayo sa mga parehong kandidato na matagal nang nakaupo sa pwesto pero wala pa ring pinagbago ang ating bansa? O kaya naman ay sa bago na may nagawa na pero ayaw nating bigyan ng pagkakataon.

Sa aking palagay doon ako sa mga bago. Gusto kong makita ang tunay na Pilipinas... ang Perlas ng Silangan.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Mike said...

Nakakalungkot na nadadaan sa komersyalismo ang kinabukasan ng ating bayan. Eto pa naman ang binibili ng karamihan. Kung sinong sikat, yun ang dapat. Paano na lang yung mga kandidatong talagang may kakayanan na mamuno at isalba ang bansa natin, tulad ni Perlas? Paano siya bebenta sa mga mahilig sa Wowowee?

Matagl na akong nangongonsyensa, halos anim na taon na ang aking artikulong "Minsan may Isang Puta" na umiikot sa mga blog sites, fora, search engines at salamt sa Diyos lalabas na sa indie film. It was originally published in April 30, 2004 @ Peyups.com and at 2010, it is still finding it's way to blog sites, fora, search engines and now on film.

With your indulgence, I will be re-posting this entry at omy "Puta's" FB page.

If you wish to get updates on the upcoming "Minsan may Isang Puta" short film entry by Urban Tribe's Sarah Roxas @ the "Ganap na Babae"-search for the NEW WOMAN Director, you are most welcome to join us - HERE's TO A BETTER PHILIPPINES!

JOIN US > http://www.facebook.com/pages/Minsan-may-Isang-Puta/359475606984?v=wall

Still pandering on your hunger for a true sense of NATIONALISM.

Shen said...

We can make this country better is all of us will unite this 2010 and vote for a real and true leader... ako I choose PERLAS :)