Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, March 18, 2010

Makiisa sa Earth Hour 2010 - March 27, 2010

Isang panawagan sa lahat ng Filipino na makiisa sa Earth Hour sa darating na March 27, 2010 mula 8:30PM hanggang 9:30PM.



Makiisa tayo sa layuning bigyan ng halaga ang kalikasan at maipahinga ang paggamit ng kuryente at ng enerhiyang karamihan ay nakakasira sa ating kalikasan.


Nagsimula ang Earth Hour noong March 31, 2007 sa Sydney, Australia na ginanap 7:30 pm. Noong 2008 kabilang ang Pilipinas sa unang 12 na bansa sa buong mundo at isa sa unang 4 na bansa sa Asya na sumuporta sa Earth Hour.

Noong 2009 pumangalawa ang Pilipinas sa Estados Unidos sa dami ng mga nakiisa sa Earth Hour. Umabot sa 80,000,000 tao mula sa 318 na siyudad at 8 estado ang nakiisa at sa Pilipinas naman ay 15,000 bihay a 647 na siyudad at bayan.

Bagama't maganda ang Earth Hour ay masasabi ko pa rin na ito ay isa lamang simpleng pagkakataon para makiisa sa kalikasan subalit ito ay napakaliit lamang na bahagi ng solusyon. Kung isasabatas na sana sa bawat linggo ay may itatalagang Earth Hour ay mas magiging malaki ang kontribusyon nito.

Mahalaga rin na mapamura at maipakalat ang paggamit ng mga "energy efficient" na pinagkukunan ng enerhiya nang sa gayon ay maging pangmatagalan ang pagbabago.

Kung gusto natin ng pangmatagalang solusyon din sa ating bansa... sa darating na 2010 elections ay hindi ba dapat isang GREEN at ENVIRONMENTAL CANDIDATE ang IBOTO.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: