Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, March 29, 2010

Pagsaludo sa mga Estudyanteng Matatapang at Isang Pagbubukas Isip sa Pamahalaan

Nakakadismaya na humantong pa sa pagtatapon at pagsusunog ng mga bangko ang mga estudyante ng PUP. Hindi na sana umabot pa sa ganito kung nakinig lamang ang mga tagapamahala ng paaralan.

Bagama't hindi ako sang-ayon sa ganitong pamamaraan ay naiintindihan ko pa rin ang nararamdaman ng mga mag-aaral na mula sa P22 ay tatas ng P220 ang kanilang per unit na bayad sa paaralan. Sumasaludo ako sa tapang ng mga mag-aaral at sa kanilang paninindigan para sa kanilang karapatan.

Ang pananaw ko na hindi na kailangan pang gawin ang pagsunog sa mga upuan ay isang personal na opinyon na kung ako lamang ang masusunod ay hindi ko na ito gagawin pa kundi ay gagawin sa ibang paraan.

Nakakapanghinayang din naman kasi ang masira at masunog ang mga gamit ng paaralan na pondo ng taumbayan ang ginagamit. Pero tila tama nga rin naman ang maraming estudyante na mas mahalaga ang kanilang karapatan kesa sa halaga ng mga upuang ito.

Mali nga bang aktibismo ito? Sa unang tingin para sa akin ay mali ito pero dahil sa kagipitan na rin ng mga mag-aaral ay ito na lamang din namang ang naiisip nilang paraan.

Nag-ugat ang aking pag-ayaw sa kanilang pamamaraan dahil sa naiisip ko rin kung gaano kalaki ang ginagastos para matustusan ang mga gamit sa isang pampublikong paaralan o unibersidad. Kung kakayanin talaga ay dapat hindi na iyon ginawa pa... pero ano pa nga ba ang magagawa mo kung ayaw ka na pakinggan?

Sana ay mas mabigyan pa ng pansin ang edukasyon at ang karapatan ng bawat kabataan na makapag-aral at magkaroon ng magandang bukas.

Sa kabuuan mas mahalaga ang tao kaysa sa gamit... at palagay ko iyan ang bagay na dapat kong maunawaan sa ilalim ng isyung ito.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: