Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, April 24, 2010

AKO ANG PROBLEMA kung di ako boboto ng tama

Naglunsan ng proyekto ang Pandayan Bookshop kasama ang Philippine Daily Inquirer, Manila Bulletin, People Management Association of the Philippines at iba pa ng limang panuntunan sa karakter na dapat hanapin sa mga kandidato.

Ang mga karakter na ito ay tinataglay ng limang batayang tao kasama na ang Dalai Lama, si Mahatma Gandhi, Mother Teresa, Jose Rizal at Jose Abad Santos.

Sumasang-ayon ako na tayo ang problema kung hindi tayo boboto ng tama kaya ating hanapin ang MGA KANDIDATONG TAGLAY ANG 5 KAKAYAHAN...


Tulad ng Dalai Lama, KAPITAN NG BARKO. Nagbibigay ng direksyon patungo sa lipunang makatarungan at makatao.

Tulad ni Mahatma Gandhi, TAGASULONG NG PROGRAMA. Binubuo ang tulungan ng tao at nangunguna sa pagpapatupad ng kasunduan.

Tulad ni Mother Teresa, PUNONG TAGAPAGLINGKOD. Nagsisilbi ng tapat at walang hinahanap na kapalit para sa kanyang sarili.

Tulad ni Dr. Jose Rizal, INSPIRING LEADER. Pinasisigla ang damdamin ng tao upang sila'y magkaisa, magtiwala sa pamunuan a umasa sa magandang kinabukasan.

Tulad ni Jose Abad Santos, BANTAY NG KABAN, KINABUKASAN AT BATAS NG BAYAN. Ginagamit ang yaman at batas ng bansa para sa kapakanan ng lahat.

Sino ba ang mga kandidatong may taglay na mga ganitong katangian. Kung sa tingin ninyo ay nahanap ninyo sila ... SILA ANG INYONG IBOTO.


Also Visit My Other Blogs 
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

BEST JAS! said...

isipin mabuti kung sino ang i vote niyo...
tayo din ang mag hihirap pag nag padala tau sa mga tatakbo ngayon ..
dito lng tayo magkakaroon ng kapangyarihan kung sino talaga ang gusto na ting e vote.. think wise..