Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, April 30, 2010

Ang BOTO KO SA MAY 2010: Ang kumpletong listahan

Nabuo ko na rin ang line-up ng aking mga iboboto at hindi ako nahihiya na sabihin ito at ipaalam sa lahat. Buo ang loob ko na iboto ang tambalang Nick Perlas at Perfecto Yasay sa May 10, 2010 sapagka't sila ay mga ehemplo ng mga Filipino na tunay na magbabago sa ating bayan.

PRESIDENT: NICK PERLAS
- Si Nick lamang sa lahat ng kandidato ang may track record, accomplishment at malinaw na gagawin para sa ating bayan. Hindi siya tiwali, walang bisyo at tunay na ilalapit ang pamahalaan sa taumbayan.


VICE PRESIDENT: PERFECTO YASAY - Sa mga tumatakbo si Yasay din lamang ang hindi tiwali. May puso siya para sa bayan at kayang-kaya niyang linisin ang katiwalian sa pamahalaan.

SENATORS:

1. Sen. Neric Acosta - makakalikasan, may nagawa na at laban sa katiwalian.
2. Sen. Riza Hontiveros-Baraquel - tagapagtanggol ng kababaihan, may nagawa na, makabayan, makikipaglaban para sa karapatan nating lahat, laban sa katiwalian.
3. Sen. Yasmin Lao - magsusulong ng karapatan para sa kababaihan at sa mga Muslim.
4. Sen. Lisa Maza - makabayan, walang takot, laban sa katiwalian, tagapagtanggol ng kababaihan, makamasa.
5. Sen. Satur Ocampo - may paninidigan, tagapagtanggol ng maliliit na magsasaka at mangagawa, makabayan, makamasa, laban sa katiwalian.
6. Sen. Alex Lacson - bagong dugo sa pilitika, makabayan, malalim ang hinahangad para sa bansa, inspiring leader, may paninindigan.
7. Sen. Sonia Roco - tagapagtanggol ng kababaihan, magsusulong ng de kalidad na edukasyon, laban sa katiwalian, may paninidigan.
8. Sen. Pia Cayetano - karapatan ng kababaihan, para sa kalikasan.
9. Sen. Danny Lim - lumaban sa katiwalian, may paninindigan, walang takot.
10. Sen. Ariel Querubin - lumaban sa katiwalian, may paninindigan, walang takot.
11. Sen. JV Bautista - tagapagtanggol ng naapi, lumalaban sa katiwalian, naglilingkod sa masang nangangailangan, bayan higit sa sarili, tagapagtanggol ng karapatan ng maralita at ng mga Filipino.
12. Sen. Adel Tamano - may paninidigan, lumalaban sa katiwalian, may puso para sa bayan, magsusulong ng de kalidad na edukasyon.

Congressman ng 2nd District Bulacan: BOY CRUZ Jr. - bagong pag-asa para sa 2nd district. Tama na sa isang pulitiko na plastik at itinuturing na sagabal ang mga samahang pangmamamayan. Ayaw ko na kay Perdo Pancho!

BULACAN GOVERNOR: WILLY ALVARADO - boto para sa kalikasan at sa bagong pamumuno sa Bulacan.

VICE GOVERNOR BULACAN: DANIEL FERNANDO - sana may iba pang tumatakbo para mas maraming pagpipilian pero sa dalawang naglalaban siya ang napipisil ko.

MAYOR BALIWAG: FERDIE CRUZ - bago naman... masyado na akong maraming alam sa mga nangyari sa kasalukuyang administrasyon. Maganda rin naman at saludo ako sa pamumuno ng kasalukuyang Mayor pero nais ko rin ng pagbabago.

BALIWAG COUNCILORS: (Hindi ko na kailangan ng mahabang paliwanag) 1. Joel Pascual, 2. Tisoy Santos, 3. Kaka Taruc, 4. Ding-Dong Nicolas, 5. saka na yung iba wala ako maisip... ahahahaha.


Ayan po ang ANG BOTO KO SA MAY 10, 2010! Ang mga ishade ko sa balota.

Salamat po!


Also Visit My Other Blogs 
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: