Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, April 7, 2010

Ang Makulong Dahil sa Pagtulong sa Kapwa at sa Kalikasan

Ilang araw na lang at hindi imposible na makasuhan ako at makulong dahil sa pagtalbog ng mga ibinayad namin na tseke para sa mga gastusin noon sa World Creative Youth Forum (WCYF) 2009. Isang event na ginawa upang iparating sa kabataan at sa buong mundo ang kahalagahan ng Sustainable Development.

Isang event na napakaganda at naging successful sana kung tumupad sana sa kanyang pagtulong na ipinangako si Sen. Manny Villar at kung sana ay hindi binalak na pagkakitaan at gatasan ng mga empleyado ng PAGCOR.



Opo, tama kayo isa sa dahilan kung bakit ako na siyang naging susi para maparating sa bansa ang event na ito ay naghirap ay dahil hindi tinupad ni Manny Villar ang kanyang mga pangako. Nangako siya na magbibigay ng tulong na P300,000 para isulong ang kapakanan ng Sustainable Development at ng kabataan, ipinadala pa si Gilbert Remulla at ang kanyang anak pero ni isang kusing ay walang itinulong sa amin.

Ang PAGCOR naman na nangako ring tutulong ay binalak pa kaming gatasan at himihingi ng 25% na komisyon sa kanilang tatrabahuhing P500,000 na pondo. Dahil hindi kami punapayag ay naging P10,000 na lamang ito ng kinalaunan.

Pagkatapos ng event ako at ang aking pamilya ang naghirap. Pinagdudahan na nagkamal ng napakaraming salapi pero ni isang kusing ay wala bagkus ay humigit kumulang na P300,000 na utang ang ibinalik ng isang magandang layunin.

Ang aking mga anak ay dumanas ng hirap at hindi ko man lamang napadalhan ng kaukulang suporta dahil lahat ng aking kinikita ay nauwi sa pagbabayad ng utang.

May mga kaibigan namang tumulong din kaya kahit papaano ay nakapamuhay pa rin kami at nakasagwan sa hirap na ginawa ng di pagtupad ni Villar at panggagatas ng PAGCOR. Salamat sa mga taong tumulong at nagmalasakit.

Subalit ngayon ay dumating na sa punto na wala na yata talaga akong ilalabas. P9,500 mahigit kada buwan ang aking binabayaran sa caterer at mula Enero ay hindi na ako nakabayad... hangang Hunyo pa ako magbabayad nito. Sinabi na nila sa akin na patatalbugin ang mga tseke namin at ikukulong ako.

Nakakatawa pala na pwede kang makulong hindi dahil nanloko ka at nagkamal ng pera kundi dahil naghangad ka na makapaglingkod at tunulong.

Kung iyan ang dahilan at ako ay makukulong ay hindi ko ikakahiya.

Ang NAKAKAHIYA AY SI MANNY VILLAR na nagsasabig tatapusin ang kahirapan samantalang ang simpleng usapan ng pagtulong ay hindi nagawa. Nanggamit lamang pala at walang pakialam sa layunin na mapagbuti nang kalikasan at kabataan.

Ang NAKAKAHIYA AY ANG MGA TIWALING TAGA PAGCOR na walang ginawa kundi manggatas sa mga humihingi ng tulong na pondo sa kanila.

At pagpatak ng Lunes, April 12 nakahanda na ako. Wala na akong pera na ibubuga pa.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: