Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, May 17, 2010

Ang Pagmamahal ng Pinoy (Pinoy Love)

Paano nga ba magmahal ang isang Pinoy? Ano ba ang Pinoy Love?

Sabi ng marami pinakamapagmahal daw sa buong mundo ang mga Filipino. Maging sa trabaho, sa mga anak at lalo na sa mga kasintahan at asawa. Mapag-aruga din daw at sentimental ang mga ito at gagawin ang lahat para lang sa minamahal.

Isa na nga ritong halimbawa ang larawang nakita natin sa blog post na ito. Ginawa ito marahil ng isang lalaki na napahiwalay sa kanyang minamahal. Para lamang mapatunayan na mahal na mahal niya ang kanyang gf o girlfriend ay ginawa niya ang poster na ito.

Ganito raw kalakas ang loob ng mga Pinoy. Mapangahas basta sa pag-ibig at minsan ay hindi iniisip ang mga magiging bunga ng pagmamahal na ito.

Lalo pa sa panahon ngayon na kung saan tila mas naging liberated na rin ang mga Filipino. Ang pagmamahalan ay hindi na nakukulong sa tipikal na relasyon ng isang lalaki at isang babae, sapagka't tanggap na rin ng lipunan ang relasyon sa parehong kasarian.

Sabi nila mas madali nga raw magmahal ng kapwa mo ang kasarian. Ang iba pang loko-lokong lalaki ay sasabihin na mas safe nga raw dahil hindi sila mabubuntis o makakabuntis sabi naman ng kababaihan.

Pero dapat nating maintindihan na ang pagmamahalan ay hindi lamang nakabase sa "sexual" na bagay sapagkat ito ay dapat palaging mas malalim pa. Ang anumang sinasabing pagmamahalan na ang pinaka "focus" ay pagtatalik ay madaling mabubuwag sa sandaling magkaroon ng mabigat na problema.

Naniniwala akong ang tunay na pagmamahal ng Pinoy ay nakaugat sa mas malalim na aspeto. Ang nakakalungkot nga lang ay dahil na rin sa modernisasyon ng ating lipunan at sobrang kalakasan ng media tila nagiging mas motibasyon ng maraming pagsasama ng kabataan ang kanilang ginagawang pagpapaligata sa bawat isa.

Ating tandaan na maaaring naliligayahan nga tayo sa ganitong bagay subalit tayo ay may responsibilidad sa ating mga magulang, sa lipunan at sa ating sarili. Responsibilidad natin na pangalagaan ang ating dignidad at magmahal sa tamang paraan.

Ang Pinoy Love ay tunay na pagmamahal.

Sana ay nagkabati na rin ang naglagay ng poster at ang kanyang minamahal.


Also Visit My Other Blogs 
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: