Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, May 18, 2010

Baliktad Nga Bang Magbasa ang mga Filipino?

Sabi ni Bob Ong baliktad daw magbasa ang mga Filipino. Kapag sinabi mong huwag magtapon ng basura sa isang lugar ay doon sila nagtatapon. Kapag ddaw sinabi mong bawal tumawid ay doon ka makakakita ng maraming tumatawaid. Asahan mo rin daw na kung saan may No Parking ay doon maraming nakapark.

Sa obserbasyon ko ay tama nga si Bob Ong, baliktad nga magbasa yata ang mga Filipino.Pero masasabi ko rin na minsan napakamasunurin din naman natin at sa pagkamasunurin ay tila yata napapasobra tayo.

Sa isang mall ay nakatawag ng pansin ko ang "Recycling Box" ng SM na kung saan nakalagay na doon daw dapat ilagay ang mga sira at lumang baterya, charger at iba pang electronic equipment. Ang mga nakolektang bagay na ito ay dadalhin naman sa isang lugar para marecycle.

Sadyang napakagandang adhikain at malaki ang maitutulong sa kalinisan ng ating bansa at sa kapaligiran ng Pilipinas.

Dahil sa natuwa ako ay lumapit ako upang silipin kung marami na ba ang naghulog ng mga electronic appliances na ito para irecycle. Laking gulat ko na lamang ng makita ko sa loob ng box ang mga plastic containers ng pagkain at inumin, pati na rin ang CFL lights at mga boxes nito.

Nang-aasar ba ang mga tao o sadyang hindi nila naintindihan ang nakasulat? Hindi kaya dahil may "Recycle sighn" ay inakala nila na basurahan ang mga ito? Kaya lang tila yata napaka imposible dahil nakalagay nga sa isang basang-basang font at napaliwanag ang, "DROP YOUR OLD PHONE TO SAVE OUR ENVIRONMENT." Sa design din naman ay hinding-hindi mo ito mapapagkamalang basurahan.

Bakit nga ba may mga taong pasaway na ginagawang basurahan ang hindi naman dapat gawing basurahan? Sadya bang matigas lang talaga ang ulo natin? Kayo ano ba sa palagay nyo ang dahilan?


Also Visit My Other Blogs | Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

edralyn alba said...

sadyang sutil ang mga pilipino...