Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, May 9, 2010

Isang Paglalakbay sa Daang Maharlika at Laban ng Rebolusyon

Nakakaantig at puno ng kasaysayan ang Lakbay Maharlika na tinaak ng mga supporter ni Nicanor Perlas.  Sinimulan ito sa bantayog ng kapanganakan ni Hermano Puli sa Lucban, Quezon at nagtapos sa Liwasang Bonifacio.

Wala ni isang kandidato sa loob ng napakatagal na panahon o kahit simula pa ng matatag ang ating Republika ang nagbigay pugay sa kanyang kampanya sa ating kasaysayan at sa ating mga bayani... si NICK PERLAS lang.

Kay Hermano Puli nagsimula ang pakikipaglaban para sa karapatang panrelihiyon.

Sina Gomez, Burgos at Zamora ang naging inspirasyon ni Jose Rizal upang lalong patatagin ang kanyang loob para sa bayan.

Si Dr. Jose Rizal ay nag-alay ng kanyang buong buhay at kakayahan para sa kanyang mga kababayan.

Si Andres Bonifacio ay nagbuwis ng buhay at pinatay ng kapwa Filipinong si Emilio Aguinaldo dahil sa kanyang paniniwala na dapat ang pamahalaan at ang Pilipinas ay para sa lahat.

Sa bawat bayani nagpugay si Nick Perlas. Sa kanyang Meeting de Avance isang pagkilala sa kulturang Filipino o Maharlika ang naganap. Hindi si Nick Perlas ang pinapanuod o pinakikinggan nila subalit ang yam ng kultura ng ating bayan... at maging si Perlas ay isang tagapanuod lamang.


Nilalamon na ng bulok na sistema ang ating bayan at para sa akin si Nick Perlas ay katulad ni Dr. Jose Rizal. Isa siyang tao na nagbigay sa atin ng inspirasyon at pag-asa na may magagawa pa pala tayo at kaya palang gawin.

Sa pagboto natin bukas, May 10... anuman ang kahinatnat ng halalan sigurado ako na PANALO SI NICK PERLAS!

Panalo siya sapagkat sa parehong kalalabasan ay nanalo ang pagusbong ng bagong Pilipinas.

Ito ang pagpapatuloy ng rebolusyon nina Andres Bonifacio. Isang rebolusyon na kasama ang kultura, ispiritwal at marami pang iba.

Ito ang pagpapatuloy ng rebolusyong inagaw kay Bonifacio.

Si Perlas ay magtatagumpay at sa Mayo 10... araw ng kamatayan ni Bonifacio tunay na sisibol ang lagablab ng apoy ng isang bagong bayan... isang bayang Maharlika!



Also Visit My Other Blogs 
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: