Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, May 10, 2010

Karanasan sa Pagboto - May 10, 2010

7:00pm matatapos na ang kauna-unahang Automated Elections sa Pilipinas at sa loob ng 5 araw ay maaari ng malaman ang mga nanalo.  Isa ako sa maraming bumoto at nakaranas ng makasaysayang pangyayaring ito at hindi ako nagsisisi na bumoto ako.

10am na nang makapunta kami ni Mei sa aming prisinto. Tiningnan muna namin kung nandun ang aming pangalan at nandoon naman.

Pumila kami hindi upang bumoto kundi upang kumuha ng numero. 1-100 ang pinamimigay na numero. Pagkakuha mo ng numero sa pintuan ay kailangan mong pumila ulit ayon sa number na nakuha mo at dun ka pa lang makakaboto.

Mahaba ang pila, mainit at maasar ka kapag wala kang kausap o kakwentuha kaya buti na lang kasama ko si Mei at madaldal ako.

Pagkalipas ng 3 na oras nasa nakarating na rin kami sa pagboto. Bago bumoto may pinauna na number 56. Nagalit si Mei dahil nga pinapauna... ako naman tahimik na lang. Nakakinis na kasi obvious naman pinapasok pa at saka ayaw ko masira araw ko.

Paglapit ko dun sinabi ko presinto ko at number, "Precinct 4A, Number 26" Pinapirma ako at pina thumbmark sa tapat ng pangalan ko. Pagkatapos nun binigyan ako ng balota, mahabang "secrecy folder" at pang shade.

Napansin ko rin na nakatambak lang ang mamahaling UV Light scanner pero hindi naman ginagamit.

Humanap ako ng mauupuan at nagsimulang bumoto. Hindi ko malaman kung papaano ako buboto na gamit ang secrecy folder dahil parehong mahava. Dahil sa pangyayaring ito itinupi ko ang folder at hindi na ginamit.

Dahan-dahan akong nagshade. Grabe nakakahilo palang tingnan kaya medyo mabagal ang proseso. Maliliit ang mga pangalan at pati ang bilog na lagyan ng shade sobrang liit din.

Pagkatyapos ng may 4 na minuto natapos ko ang pagshade. Pumunta ako sa unahan. Isinurender ang folder at pangshade.

Pagkatapos noon ay dahan-dahang ipinasok ang aking balota sa PCOS machine at naghintay.

Sa wakas sumulat ang notice sa PCOS, "Congratulations! Your ballot was accepted!"

Sa wakas nakaboto na ako at sana na lang mabilang ang boto ko.

Boto ito para sa kinabukasan ng ating bansa...

PERLAS - YASAY ang binoto ko.


Also Visit My Other Blogs 
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: