Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, May 11, 2010

Panahon na ng pagkakaisa sa ilalim ni Noynoy Aquino

Maliwanag ang naging resulta ng halalan kahit wala pa ang official results, si Noynoy Aquino ang bagong Pangulo ng Pilipinas.

Alam ko na marami ang hindi matanggap kung bakit si Noynoy Aquino ang nanalo at pinili ng maigit 13Milyong Filipino. Subalit ano pa man ang ating sabihin maliwanag na siya ang pinili ng nakararami kaya ang dapat gawin para sa ating bayan ay magkaisa at tulungan natin siya na gampanan ang kanyang tungkulin.

Isa pa sa ating maaaring gawin ay maging tagapagbantay ng mamamayan upang tunay na tuparin ni Aquino at ng pamahalaan ang kanilang mga naipangako. Subalit hindi dapat na tayo ay nakaupo lamang at walang ginagawa. Hindi rin dapat na ang ating iniintay ay ang pagkakataon na magkamali si Noynoy at pagkatapos ay magprotesta tayo.

Ang dapat nating gawin ay tumulong sa abot ng ating makakaya. Itigil na ang ating mga paninira at magkaisa para sa ating bayan. Hindi man natin gusto si Noynoy ay dapat makiisa na tayo sapagkat kung hindi ang bayan naman natin ang magiging kawawa.

Isa sa maraming dahilang kung bakit tayo hindi umaangat ay dahil hindi natin matanggap ang ating pagkatalo at hindi tayo maka move-on. Pagkatapos ng halalan ay patuloy pa rin tayong naninindigan na mali ang nanalo at dapat natin yung mapatunayan. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo umaangat dahil sa halip na tumulong ay nagigi tayong pabigat.

Saludo ako at humahanga sa mga kandidato sa pagka-Pangulo na nagconced na at nagpahayag ng pagsuporta kay Noynoy Aquino. Saludo rin ako sa kanilang panawagan sa mga tagasuporta na kalimutan na ang hidwaan at magkaisa. Sana ay atin itong sundin at bigyan ng pagkakataon.

Ito ay isang antas lamang ng laban at hindi pa ito tapos. Ang tunay na laban ay hindi sa pagitan ng mga kandidato kundi laban para iangat na ang ating bansa. Ito ang laban na dapat nating mapagtagumpayang lahat.

Nanawagan din ako sa iba pang kandidato na makiisa na at tulungan ang pag-angat ng ating bayan.

Congratulations sa ating susunod na Pangulo ng Pilipinas, Benigno "Noynoy" Aquino III!


Also Visit My Other Blogs 
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: