Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, May 17, 2010

Scenarios of the Noynoy Aquino Presidency

Ano nga ba ang naghihintay para kay Benigno "Noynoy" Aquino sa kanyang pormal na pag-upo bilang Pangulo ng Pilipinas? Magigi bang mahirap o madali ang kanyang pamamahala?

Sa kanyang blog na Mon Casiple’s Weblog on Philippine Politics, nagbigay si Casiple ng tatlong scenario at posibilidad na pwedeng mangyari sa ilalim ng administrasyon ni Noynoy Aquino.

Ang una ay tinawag niyang "Pax Aquino" na kung saan ay mapapagkaisa agad ni Noynoy ang karamihan sa mga nasa pamahalaan at mapapasunod ang oposisyon sa kanyang mga planong reporma. Maihahatid raw ito ng kanyang kapani-paniwalang panalo sa nakaraang halalan. Ang kanyang solidong suporta ay maaaring gamitin ni Aquino para mabigyang buhay ang isang pagmatagalan at permanented pagbabago para sa bansang Pilipinas.

Ang pangalawa ay tinawag niyang "Politics of Compromise" kung saan makikipag-usap si Aquino tungkol sa mga pwedeng pagkaisahan niya at ng kanyang mga kalaban. Dahil nga ang Kongreso ay masasabing oposisyon maaaring hindi maging buo ang mga repormang maisusulong dahil pipigilan ito. Ang pinakamasamang mangyari ayon kay Casiple ay ang hindi talaga mabigyang buhay ang mga nakaplanong reporma.

Ang pangatlo at panghuli ay tinawag niyang "Coalition of the Willing" kung saan isusulong pa rin ni Aquino ang kanyang "reform agenda" subalit ito ay susuportahan lamang ng mga taong sumuporta sa kanya o ang tinawag niyang "core base". Ang palagiang tunggaliang pulitikal ang isa sa magiging bihis ng kanyang pagkapangulo.

Sinabi nga ni Mon Casiple na ang tunay na laban ay nagsisimula pa lamang. Para sa kabuuang arikulo bumisita sa Mon Casiple’s Weblog on Philippine Politics.


Also Visit My Other Blogs 
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: