Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, May 28, 2010

Si Juana Change at ang TRAPO sa Kampo ni Noynoy at sa Ating Bansa: I WANNA CHANGE!

Ano nga ba ang tinatawag na TRAPO? Sa kalagitnaan ng kampanya ni NoyNoy Aquino ay biglang nagresign sa volunteer core si Mei Paner na mas kilala sa pangalang Juana Change. Sabi ni Mei ay tila nilalamon ng mga TRAPONG tulad ng Liberal Party, Hyatt 10 at ng "The Firm" ang kampanya ni Noynoy.

Marahil hindi nga nagkamali si Mei Paner sa kanyang mga sinasabi sapagka't kung titingnan ang mga napipisil na umupo sa gabinete ni Noynoy Aquino ay karamihan mga dating tauhan ni Pangulong Arroyo na kasama sa tinatawag na Hyatt 10 at ang iba naman ay mula sa "The Firm." Ito ang mga TRAPO na tila raw sabi ni Mei ay nagbalewala at isinaisantabi ang mga volunteer habang tumatagal ang kampanya.

Marahil ay intensyon ni NoyNoy Aquino na baguhin ang pulitika sa ating bansa subalit tali siya sa isang partido na sa napakatagal na panahon ay nalamon na ng traditional politics. Ito rin ang sinabi ni Nicanor Perlas sa kanyang arikulong, "NoyNoy Aquino, Enabler or Suppressor of New Politics." Noong panahong iyon ay nanawagan si Perlas at ang iba pa na sumama sa NoyNoy sa Peoples Primaries at maging kandidato ng bayan sa labas ng Liberal Party.

Pero ang tanong ay, kung kumalas nga si Aquino sa LIberal party ay kaya ba niyang manalo bilang isang kandidatong idependent? Sina Nicanor Perlas nga, Jamby Madrigal at JC delos Reyes ay nangulelat at nahigitan pa ng boto ni Vetallano Acosta.

"I did not invest my blood, sweat and tears para trapo ang ma-appoint. Those surrounding Noynoy, most of them are sipsip," ito ang tinuran ni Mei Paner sa isang panayam sa GMANews. Dismayado si Paner sa mga nangyari nung kampanya at sa mga nagyayari ngayon. Sa kabila ng lahat ay nanatili pa rin na isang tagasuporta ni Aquino si Paner at patuloy na umaasa na may mababago pa rin sa mga pangyayari.

Ako man ay may sariling karanasan sa kampo na mismo ng sinasabing nagbigay sa atin ng pag-asa para sa Bagong Pulitika, kay Nicanor Perlas. Subalit dito ko napagtanto na mahirap isabuhay ang bagong pulitika kung ang ating pagbabasehan ay ang personalidad pa rin ng tao. Hindi lamang teknikalidad at pananaw ang bagong pulika kundi ito ay isang bagong pamumuhay na kung saan ang pag-iisip, puso, gawa at kaluluwa ng mga mamamayan ng isang bayan ay nagkakaisa sa iisang layunin. Iisang layunin na gawin ang lahat para sa ikabubuti ng lahat.

"Para kaming nasa doghouse, naisasantabi, naisasalya," yan sang sabi Ni Mei Panel. Habang ang mga trapo daw ay binabayaran at siyang bibibigyan ng pasasalamat at pinakakautangan ng loob para sa naging matagumpay na kampanya.

Sa Pilipinas at maging sa buong mundo buhay na buhay pa rin talaga ang kasabihang, "I scratch your back and you scratch my back."

Hindi lang ito kay Noynoy nangyayari sapagkat ito ang katotohanan sa ngayon sa buong bansa at sa mga kandidato... ito ang katotohanang ating nais baguhin subalit tila ayaw makinig ng mas maraming Filipino.

I WANNA CHANGE! I JUANA JUANA CHANGE!



Naisip ko lang nagsisisi ba si Mei Paner na kasama niya sa video na ito yung iba na nababanggit nya?

Pero higit pa sa tanong na ito ang mas mahalaga ay TOTOO ANG MGA SINASABI NG JUANA CHANGE VIDEO NA ITO.

Also Visit My Other Blogs | Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: