Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, May 13, 2010

Understanding Nick Perlas, Jamby Madrigal and JC de los Reyes on Not Conceding

Hindi pa raw magcoconcede sina Nick Perlas, Jamby Madrigal at JC delos Reyes sa halalang ito. Para sa marami isa itong napakalaking kalokohan, katangahan at sabi bila ay "unsporstsmanship" at "ungentlemanly" conduct ng isang kandidato.

Kung ang ideya ng pag concede ay ang hindi pagkilala sa mananalo ang pag-uusapan ay sang-ayon ako na kahangalan nga ito dahil anupaman ang gawin nila ay imposibleng manalo pa sila sa halalang ito. Hindi pa yata handa ang taumbayan sa bagong pulitika.

Higit pa doon nais kong intindihin ng mas malalim ang kanilang dahilan. Sapagkat kung ako ang masusunod mas gusto ko sana na nagconcede na muna sila na "sila ay talo" pero nanawagan pa rin sila na bigyang linaw ng COMELEC ang lahat ng tila pandaraya at katiwalian na nakita sa "automated elections."

Pwede pa rin naman silang maghanap at mangulekta ng ebidensya ng katiwalian sa halalan kahit na sila ay nagconcede na ng pagkatalo.

Pero tila iba yata ang nais nila. Sa totoo lang naiintindihan ko ang kanilang ginagawa. Mas may kapangyarihan sila at kakayahan kung hindi muna sila magcoconcede at mananawagan na linawin ng COMELEC ang lahat ng tila kaguluhan sa automated elections. Ipaliwanag ng COMELEC at bigyang linaw kung bakit may mga bagay-bagay na dapat ay hindi nangyari pero nangyari.

Totoo naman talaga ang sinasabi nila na karapatan ng mamamayang Filipino na magkaroon ng isang malinis na halalan. Karapatan ng mamamayang Filipino na malaman kung ano ang mga kabuktutan sa nangyaring halalan noong Mayo 10. Humahanga ako sa kanilang tatlo sa paninindigang ginawa nila.

Subalit isa rin itong "double-edged" na desisyon. Sa magandang paninindigan nilang ito ay maaaring magsamantala ang ibang natalong kandidato at makiisa sa kanilang panawagan. ANg mga kandidatong hindi naman talaga gustong malinawan ang halalan kundi sasama para sa pansariling interes.

Nakikita na natin si Erap na magsasabi rin nito at kanina nga nagtweet na siya na ilalabas daw nila ang mga tao at ebidensya ukol dito. Ang kampo rin ni Bro. Eddie ay nagsabing hindi raw nabilang ng PCOS ang mga boto para sa kandidato nila.

Sa totoo lang nakakasawa na rin na kada may halalan ang "end scene" ay mga kandidatong hindi natalo kundi nagsasabing nadaya sila. Mapa manual o mapa automated ay ganun din pala ang magiging scenario.

Tanging hangad ko lang na sana ay mabuti at maganda ang kahantungan ng lahat ng ito. Hindi naman pansariling pagkapanalo pa ang hangad nina Perlas, Jamby at JC sapagka't maliwanag na talunan na sila. Ang gusto lamang nila sa aking palagay ay maging tunay na kapani-paniwala, malinis at makatotohanan ang naging halalan at ang proseso.

Huwag natin silang husgahan sapagka't sila lamang naman ang naglakas ng loob na tunay na hanapan ng katarungan ang mga hindi tamang nangyari noong Mayo 10 at ang mga hindi tamang ginawa ng COMELEC sa buong proseso ng eleksyon.

Iba man ang ating pananaw, sana ay irespeto natin sila at suportahan ang paghanap ng mga iregularidad upang mas maging maayos pa ang automated elections natin sa mga susunod na panahon.

Salamat po!


Also Visit My Other Blogs 
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: