Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, June 19, 2010

Halalang Pugad Baboy: Sino ang Kanilang Ibinoto?


Nakakatuwang basahin ang mga karakter na nilika ni Pol Medina sa Pugad Baboy. Kaya nga ba isa ang Pugad Baboy sa naging pinakamatagumpay na Comic Strip sa bansa. Narito ang isang edisyon ng Pugad Baboy tungkol sa nagdaang halalan.

Sa eksenang ito ay pinaguusapan nila kung sino ang mga ibinoto nilang kandidato sa pagkapangulo.  Kapansin-pansin dito ang maliwanag na opinyon na sina Gordon at Gibo ay mga matatalino.  Pero sabi nga ayaw daw ng mga Filipino sa mga matatalino at inglisero dahil ang tingin daw nila dito ay mga elitista at hindi makamahirap.

Biglang sinabi ng isang karakter na ang gusto lamang naman daw niyang maging presidente ay mas matalino sa kanya.  Kung hindi ako nagkakamali ay isa sa pinakabobong karakter sa Pugad Baboy ang nagsabi nito sa taas.  Kaya nga ang sagot ng isa ay binoto niya uli si Erap.

Bakit si Erap?  Sapagkat marahil sa tinutumbok ng "comic strip" na ito ay pasok lahat si Erap sa mga naisin nila.  Si Erap ay hindi Inglisero, makamasa, hindi matalino at mas matalino dun sa isa.  Iyan ang punchline na masasabi na naman nating isang Erap PB joke.

Tandaan po ninyo na hindi ako ang nagsabi niyan kundi ang "comic strip" na marami ring iba't-ibang interpretasyon.  Kayo ba ano ang interpretasyon ninyo?

Also Visit My Other Blogs 
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: