Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, June 27, 2010

Katotohanan ang Magpapalaya sa Bayan: Salamat Kapuso!

"Katotohanan ang magpapalaya sa bayan!" Ito ang tema ng theme song ng News and Public Affairs ng GMA Channel 7. Isang napakagandang tema na sa totoo lang ay pinakatawanan naman nila sa pamamagitan ng tama at patas na pagbabalita. Sa loob ng 60 taon ay nagsimula silang payak at simple... nagsumikap at ngayon nga ay matatag na.

Katulad ng GMA 7, katotohanan din ang magpapalaya sa ating bayan. Katotohanan na dapat tanggapin nating lahat. Isang katotohanan na sa karamihan sa atin ay masakit at marami ang di pumapansin. Dapat nating aminin na tayong lahat ang dahilan sa patuloy na paglugmok ng ating bayan at hindi lamang ang pamahalaan.

Kasama tayo sa mga nagpapahirap sa ating bayan kung wala tayong ginagawa upang iangat ito. Kasama tayo sa mga nagpapahirap sa bayan kung wala tayong ginawa kundi siraan at pagtsismisan ang ibang tao. Kasama tayo sa mga nagpapahirap sa bayan kung nanloloko tayo at nanlalamang ng iba.

Ang solusyon sa tunay na paglaya ng ating bayan ay sa pamamagitan ng pagtanggap sa katotohanan na tayong lahat ay mayroong kasalanan at sa pamamagitan din nating lahat aahon ang ating bayan. Tunay nga katotohanan ang magpapalaya sa ating bayan.

Sa 60 taon ng Kapuso Network salamat sa matingkad na paala-alang ito!



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: