Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, June 7, 2010

Right to Information Denied (Ang Hindi Pagpasa sa Freedom of Information Bill)

Ginawa na ng Kongreso ang pinakamalaking pagyurak sa larangan ng pambabatas at ng kapakanan ng bansa sa hindi nito pag ratipika sa Freedom of Information Bill. Ang batas na sa loob ng mnaigit 14 taon ay isinulong mg mga mamamahayag atr karaniwang tao ay nalibing dahil lamang sa kakulangan ng "quorum" sa Kongreso. 128 lamang sa 135 na dapat ay nandoon ang nabilang at dahil dito walang batas na pwedeng ipasa. (Freedom of Information Bill Scribd copy below)

"Ang ating binuburol ngayon ang reputasyon, respeto, at isang salita ni Speaker Nograles at ng 14th Congress," ito ang nasabi ni PCIJ executive director Maloou Mangahas sa nasaksihang pangyayari.

Nakakatawa kung iisipin na hindi naipasa ang Freedom of Information Bill samantalang ang author nito ay umabot sa 180, hindi hamak na mas marami sa 135 na kailangang quorum ng Kongreso. Kung titingnan din tila scripted ang mga nangyari ng araw na iyon. Sa mga mukha at mata ni Speaker Nograles ay makikita ang katauhan ng isang aktor na pilit na umaarte kahit na halatang hindi niya kayang gampanan ang kanyang papel.

Ang pinakabida sa palabas na ito ay si Camiguin Rep. Pedro Romualdo na nagmosyon na mag roll-call sa Kongreso. Di kalaunan ay kinausap ni Nograles si Romualdo upang iwithdraw ang mosyon subalit hindi pumayag ang huli dahil ito daw ay labanan ng prinsipyo. Sa mga salitang binitiwan ni Romualdo tila kapakanan pa ng bayan ang kanyang iniisip.

Sa katapusan umakyat si Speaker Nograles at tuluyan nang tinapos ang sesyon. Pagkatapos ipupok ang martilyo ay naglakad ng dahan-dahan palabas. Hindi maipaliwanag ng mga kasapi ng media at taga suporta ng Freedom of Information Bill ang galit at inis na naramdaman nila.

Sa pamamagitan sana ng Freedom of Information Bill ay mas mapapadaling makuha ng media at ng karaniwang tao ang mga dokumento na may kinalaman sa mga tarnsaksyon ng pamahalaan na sa pamamagitan ng bill ay gagawing "public access." Sa ganitong pamamaraan ay mas mapapaigting ang transparency at malalabanan ang katiwalian sa loob ng pamahalaan subalit mukhang hindi handa sina Nograles at ang iba pang kasamahan nito sa ganitong batas.

Napag alaman din na pinatayan pala ng mikropono ang lahat ng taga suporta ng Freedom of Information Bill at sa footage na makikita ay ni hindi sila binigyan ng pagkakataong makapagsalita.

Ito na ba ang kabuktutan at kabulukan na kinasasadlakan ng ating bayan? Ganito na ba kagarapal ang mga tiwaling opisyal ng pamaalaan? Anu nga ba ang dapat maging solusyon upang muling mapanumbalik ang dignidad ng ating bayan?

Narito ang FREEDOM OF INFORMATION BILL (HB 3732).

Freedom of Information Bill - House Bill 3732


Kalapastanganan sa bawat mamamayang Filipino ang ginawa ni Speaker Prospero Nograles! "I did my best, but my best wasn't good enough," yan daw ang text ni Speaker Nograles sa media at sa mga nagtatanong sa kanya kung bakit hindi niya pinanindigan ang kanyang pangako na ipapasa ang batas. Isang malaking kaululan!

Kasama sa mga tinulugan ng 14th Congress ang mga batas na nakapagpa-angat sana sa ating bayan at sa kapakanan ng mamamayan tulad ng mga sumusunod: Anti-Racial Discrimination Act, Special Education Act of 2008, Philippine Tax Academy Act, Philippine Immigration Act of 2009, at iba pa.

Kawawang bansa... dahil lamang sa iilang mapagsamantala

Also Visit My Other Blogs 
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: