Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, June 19, 2010

The Similarities of Bush and Arroyo


Matagal tagal na rin akong hindi nakakapagsulat sa blog na ito. Naging busy kasi sa "paid blogging" para sa International press dahil na rin kailangang kumita... 3 kasi anak kaya ganun talaga. Ngayon, alam nyo ba na sina George W. Bush at Gloria Macapagal-Arroyoay may mga napakalaking pagkakatulad? Hindi ba kayo naniniwala? Eto tingnan natin...

Una, Pareho daw nilang dinaya ang kanilang mga kalaban para maging Pangulo. Nang umupo si George W. Bush at tinalo si Al Gore ay naging malaking isyu ito sapagkat di umano dinaya siya ni Bush. Nagkaroon ng protesta sa Kongreso at sa Senado subalit kusa na ring nagbigay si Al Gore kay Bush.

Sa laban naman nina Gloria Arroyo at Fernando Poe Jr. ay naging malaki ring isyu ang pandaraya ni Arroyo kay FPJ. Isama pa rito ang "Hello Garci" scandal na muntik nang magpatalsik kay Arroyo sa pwesto.

Pangalawa, sina Arroyo at Bush ay parehong nabigyan ng pinakamababang rating sa kanilang pamumuno sa kanilang mga bansa. Sila ang isa sa mga naging pinaka hindi sikat na Pangulo.

Pangatlo, parehong natalo ang iniendorso nina Bush at Arroyo sa sumunod na halalan. Sa USA tinalo ni Obama si McCain at dito sa Pilipinas tinalo ni Noynoy si Gibo Teodoro.

Pang-apat, parehong may malaking isyu laban sa kalikasan sina Bush at Arroyo. Sa panahon ni Bush ay hgindi bingyang halaga ng Estados Unidos ang isyu ng Climate Change at dito naman sa Pilipinas ay tila naging kakampi sa pagwasak ng kapaligiran si Arroyo. Sa kanyang termino ay nakapagbukas ng sangkatutak na minahan at nabigay pa nga sa Tsina ang may 2 milyon na ektarya para sa pagmimina.

Panglima, pareho silang naka dalawang termino. Si Bush ay tumagal ng walong taon sa pwesto at si Arroyo naman ay siyam na taon.

Pang-anim, sa kanilang mga termino ay nagkaroon ng malaking isyu sa paghihirap ang kanilang bansa; tumaas ang unemployment rate, dumami ang hindi nakapag-aaral at marami pang iba.

Sina Bush at Gloria-Macapagal Arroyo ay tunay na may pagkakahawig. Isa itong pambihirang pagkakataon na kung saan noong 2004 ay sabay pa silang naupo sa pwesto sa pangalawang pagkakataon.

Also Visit My Other Blogs 
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: