Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, June 29, 2010

The Similarities of Noynoy Aquino and Barack Obama


Ilang oras na lang at manunumpa na bilang Pangulo ng Pilipinas si Benigno Simeon "Noynoy" Cojuangco Aquino III. Manunupa si Aquino sa Quirino Grandstand sa ganap na ika-12 ng tanghali nat pagkatapos ay magkakaroon naman ng Street Party sa Quezon Memorial Circle sa gabi. Pero ang hindi marahil alam ng nakararami ay may malaking mga pagkakatulad sina Noynoy Aquino at US President Barack Obama.

Narito ang ilan sa mga nakita kong pagkakatulad nila, kung mayroon kayong mga nais idagdag ay pakilagay bilang komento sa artikulong ito:

1. Pagkapanalo. Tulad ni Obama landslide ang pagkapanalo ni Noynoy Aquino. Iniwan niyang kumakain ng alikabok ang kanyang kalaban sa halalan. Mahigit na 5 milyon ang lamang ni Aquino kay dating Pangulong Joseph Estrada.

2. Pinalitang pangulo.  Parahong pinaka mababa ang rating ng kanilang pinalitang pangulo.  Si George Bush ay umani ng pinakamababang rating bilang Pangulo ng Estados Unidos shabang si Gloria Macapagal-Arroyo ay umani rin ng pinakamababang approval rating sa lahat ng naging pangulo ng Pilipinas.

3. Pamana. Parehong malaking problema ang iniwang pamana nina Arroyo at Bush. Bagama't sinasabi ni Arroyo na iiwanan niya ang mas maunlad na ekonomiya kay Aquino, mamanahin naman nito ang katakot-takot na isyu ng katiwalian at ang pinakamasamang track record ng pag-abuso sa karapatang pantao sa mga nagdaang panahon.

4. Hamon ng Pagbabago. Ang kampanya at pangako nina Obama at Aquino ay halos magkatulad, "Pagbabago" o "Change". Isang kapani-paniwalang pagbabago na sa salita ni Obama at ng kanyang campaign team ay "change we can believe in." Ito rin ang siyang panawagan ni Aquino habang siya ay nangangampanya at sa kanyang pagkaupo. Pagbabago ng pamamahala upang malabanan at matigil na ang katiwalian.

5. Baguhan. Parehong baguhan sa larangan ng posisyon sa pagka-Pangulo o ehekutibo sina Aquino at Obama. Ang malaking kaibahan nga lang ng dalawa ay matagal ng nanunungkulan si Aquino bilang pulitiko, 12 taon samantalang si Obama ay mga 8 taon na. May malaki rin silang pagkakaiba sa personalidad sapagkat aktibong Senador si Obama kumpara kay Aquino.

6. People's Campaign. Tao ang nagbunsod para sa pagkandidato nina Aquino at Obama. Isang panawagan ng pagbabago ng mga mamamayan ang kanilang tinugunan bagama't ang kay Obama ay may pansarili rin na paghahangad para makapaglingkod samantalang ang kay Aquino ay bunsod ng pagkamatay ng kanyang ina.

Sa pag-upo ni Aquino sa pwesto simula sa ika-12:01 ng Hunyo 30 ay sisimulan na siyang husgahan ng taumbayan at titimbangin kung matutupad ba niya ang kanyang mga pangakong binitawan o hindi.

Ang mga may ayaw sa kanya tulad ng Anti-Pinoy na website ay hihintayin ang pagkakataong magkamali siya upang siya ay ilugmok at laitin pa siya lalo.

Pero hindi ba na bago natin gawin ang manira at husgahan ang ating Pangulo ay dapat tumulong din tayo sa kanya? Anung klase tayo ng mamamayan kung ating hihintayin na magkamali at walang magawa ang ating Pangulo? Ganito ba palagi tayo kapag hindi nanalo ang ating kandidatong ibinoto?

Para sa akinpanahon na upang magkaisa tayo at tulungan ang ating bayan upang sa ganon ay hindi matulad si Aquino kay Obama na sobrang hirap ang dinaranas upang maipasa lamang ang kanyang mga batas.

Magtulungan po tayo mga kababayan!

Kayo ba mga kaibigan at mambabasa may mga nakikita rin ba kayong pagkakahawig nina Obama at Aquino? O kaya naman ay may nais kayong ipahayag sa ating bagong Pangulong Ninoy Aquino... magcomment na.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: