Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, June 19, 2010

What Happened in the May 2010 Elections?



Tila maraming katanungan ang iniwan ng video sa itaas? Nagsasabi ito na nadaya ang sambayanang Filipino sa nakaraang May 10 elections. Maraming boto ang hindi nabilang at isang huwad at tiwaling halalan ang nangyari. Tama nga ba talaga ang lahat ng ito?

Una ay nakakahiyang isipin na naging Congressman si Teddy Boy Locsin. Walang namutawi sa kanyang bibig kundi pagmumura at masasamang salita. Ito ba ang kagalang-galang na nagrerepresenta sa kanyang mga nasasakupan? Sabihin na nating nakakagalit ang mga pangyayari subalit bilang mambabatas dapat manatili kang kalmado at mahinahon.

Nagkaroon nga ba ng dayaan noong Mayo 10? Opo nagkaroon po ng dayaan kagaya ng mga nagdaang halalan at kagaya rin ng mga nagdaang halalan ay mauupo ang nanalong pangulo. Marami sa mga pandarayang nangyari ay hindi ginusto ng COMELEC at ng Smartmatic kundi ginusto ng mga puitiko na gustong manatili sa puwesto. Idadgdag pa natin dito ang pagnanais din ng nakaupong pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo na maitago ang pangungulimbat na ginawa nya sa kaban ng ating bayan.

Hindi lamang naman Pilipinas ang may dayaang nangyayari. Sa Estados Unidos noong labanan nina Bush at Al Gore ay nagkaroon din ng alegasyon ng dayaan subalit sa huli ay nagkaisa pa rin ang kanilang bansa. Sa nakatapos na halalan noong Mayo tila may mga grupong nananawagan na mapawalang bisa ang resulta ng nagdaang eleksyon. Ikaw ba payag ka ba rito?

Kung mapapawalang bisa ang nagdaang halalan ibig sabihin gagastos na naman ng milyon-milyon ang pamahalaan at magkakaroon na naman ng hindi kasiguraduhan sa sitwasyong pulitikal ng ating bansa. Dahil dito babagsak ang piso, tatas ang presyo ng bilihin at magkakagulo.

Ang tanong, kung uulitin ba ang halalan ay maitatama ba ang mga naging pagkakamali? Kung uulitin ba ang halalan ay mawawala ba ang dayaan? Ang masakit na sagot ay hindi po. Hindi natin masisiguro na maitatama at mawawala na ang mga ito.

Kaya nga sa mga grupong Philippine Computer Society, Bangon Pilipinas, Ang Kapatiran Party, Anti-Trapo Movement of the Philippines, Brigada Berde, Bantay Garci 2010, Mahal Ko Bayan Ko, Center for Alternative Development Initiatives, Buklod National Political Party,Quezon City Political Coaltion for Truth, Para Sa Bansa Movement, Buklod Political Party, ATRIPPEDA, at iba pa isang pagsaludo sa inyong ginagawa upang mabunyag ang mga anomalya sa halalan. Sana rin po ay ang maging resulta nito ay pagpapatatag at pagpapaganda ng sistema ng halalan at hindi pagpapagulo lalo at pagpapabagsan ng ating pamahalaan.

Ang tamang gawin para sa akin ay tipunin ang lahat ng ebidensya at upuan ng mga grupong may alam dito kasama na si POangulong Noynoy Aquino, ang COMELEC, Smartmatic at ang mga NGOs. Alamin kung papaano ito maiiwasan sa susunod na halalan at papaano mapapanagot ang mga nagkasala rito. Dapat managot kung sino man ang nandaya sa pandaraya sa halalan. Hindi lang sa mga nandaya at nagmanipula ng PCOS machines kung meron man kundi pati ang mga namimili ng boto at nagpapabili ng boto.


Napakalaki bang hirap at pagkakamali kung susuportahan at tutulungan si Noynoy Aquino na mapagtagumpayan niya ang pamamahala sa ating bansa? Napakahirap ba makiisa sa layuning mapaunlad ang ating bayan?

Bigyan natin ng pagkakataon si Noynoy Aquino. Kailangan nating magkaisa para sa ating bayan. Subalit, hindi ibig sabihin ng pakikiisa ay magiging sunud-sunuran lmang tayo sa gusto ng pamahalaang Aquino sapagkat dapat ay patuloy tayong maging mapagmatyag at aktibo upang labanan ang anumang gagawing labag sa kapakanan ng bayan.

Narito pa po ang isa ang video ukol sa talakayan sa mga nangyari noong Mayo 10 mula sa Global News Network o GNN... kayo na po ang bahala. Sa mga patuloy na hindi matanggap ang nangyari isa lang ang masasabi ko... HOY GISING!

Narito po ang video na may apat na bahagi, "Unbiased Discussion on Poll Fraud" http://might-e2010.com/videos/unbiassed.html


Also Visit My Other Blogs 
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: