Header

Ano ang Kahalagahan ng SONA o State of the Nation Address?

ShareThis

Tanong ng isang bisita sa ating Shoutbox, ANO RAW BA ANG KAHALAGAHAN NG SONA? Ang State of the Nation Address o SONA ay nagpapakita ng kalagayan ng bansa sa loob ng nagdaang isang tao. Ito ay kasalukuyang estado ng Pilipinas. Kung bago ang administrasyon ito ay nagpapakita ng estado ng bansa sa kasalukuyan, mga nagdaang problema at paano ito haharapin ng bagong Pangulo.

Ang State of the Nation Address (SONA) ay paglalahad din ng mga programa para sa mga susunod na taon kasama na rito ang Legislative Agenda ng Pangulo at ng Executive brance. Ang sinasabing Legislative Agenda ay mga batas na nais pursigihin ng Pangulo upang mas mapabuti ang bayan at maisulong ang mga programa at plano ng kanyang administrasyon.

Sa naging SONA ni Pangulong Noynoy Aquino ay mapapansin na nahahati sa tatlong bahagi ito.

Una, ang kasalukuyang kalagayan ng bansa. Dito niya tinalakay ang mga anomalyang nangyari sa nakaraang administrasyon ni Gloria Arroyo at kung saan magsisimula ang kanyang administrasyon.

Pangalawa ay mga pagbabagong kayang aksyunan ng Pangulo. Ito ay mga pagbabagong pwede nang isagawa sa pamamagitan ng mga Executive Orders at mandato ng iba't-ibang departamento ng pamahalaan.

Pangatlo at panghuli ay ang Legislative Agenda. Ito ay ang mga panukala na kailangang aksyunan ng Kongreso at mga batas na dapat maipasa.

Sa nagdaang SONA ni PNoy ay mapapansin na hindi siya nangako bagkus ay hinamon niya ang mamamayang Filipino na tumulong upang marating ang tamang landas at patutunguhan. Ito ang katotohanan na ang Pangulo ay hindi kayang gawin ang lahat at kailangan niya ang mamamayan para mapagtulungan na maiangat ang bayan.

Nakakalungkot nga lang na parang mas gugustuhin pa ng marami na maglitanya ang Pangulo ng sangkatutak na pangako. Hindi ba nila nakikita na hindi lamang naman si Pangulong Aquino at ang pamahalaan ang dapat magtrabaho?

Sabi ng mga militante ay binigyan daw ng sobrang halaga ni Pangulong Aquino ang mga negosyante at ang negosyo. Bakit hindi? Hindi ba dapat na mapalawak ang pamumuhunan sa ating bayan? Hindi ba dapat na tumulong tayong lahat upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat Filipino na magkanegosyo at makapagbigay din ng trabaho sa ating mga kababayan.

Ang ugat ng pag-unlad ay ang negosyo at perang papasok sa ating bayan. Kung lalaki ang pondo ng pamahalaan sa ilalim ng isang matinong pamamahala ay tiyak na marami ang mailalaang pondo para sa edukasyon at sa mga kabataan. Ito ay sinabi ni Noynoy sa kanyang SONA.

Hindi ba tungkol sa edukasyon ang mga tinuran ni PNoy sa kanyang SONA?

Magkakapondo na po para maipatupad ang mga plano natin sa edukasyon.

Mapapalawak natin ang basic education cycle mula sa napakaikling sampung taon tungo sa global standard na labindalawang taon.

Madadagdagan natin ang mga classroom. Mapopondohan natin ang service contracting sa ilalim ng GASTPE.

Pati ang conditional cash transfers, na magbabawas ng pabigat sa bulsa ng mga pamilya, madadagdan na rin ng pondo.

Tulungan nating umangat ang ating bayan. Tulungan natin si PNoy. Ikaw ba ano ang maitutulong mo? Makiisa na at SABIHIN KAY PNOY AT SA BAYAN ANG IYONG PANATA SA PAGBABAGO.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Related Posts by Categories