Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, July 7, 2010

Listen to the Original Sound and Composition of KIKOZPECTUZ (with Video and Music)


Una kong nakilala si Francis "Kiko" Demata ng bandang KIKOZPECTUZ sa Baguio, sa isang event ng Generation Peace Network. Isa siyang makata, malikhain at mahilig sa musika. Mabait din at matulungin sa mga bagong musikero katunayan ay kahit hindi libre ang pamasahe ay pumayag siyang magjudge sa Rock for Peace na project ng Brotherhood of Destiny (BROOD) at Baliwag.net dito sa Baliwag.

Ngayong araw na ito ay nagkausap ulit kami sa pamamagitan ng Facebook, mahigit na lima o pitong buwan na yata kaming hindi nagkikita. Ngayon ko lang nalaman na mag mga nakaupload pa lang kanta ang kanilang banda na KIKOZPECTUZ.

Pinakinggan ko ang bawat isa at nasabi ko sa aking sarili na ASTIG ANG MGA KANTA NG KIKOZPECTUZ. Kaya ngayon ay nais ko itong ibahagi sa inyo at alamin din ang inyong mga masasabi.

Narito na ang KIKOZPECTUZ kasama sina Choy, Dani, Dennis at Kiko. Ang mga video at kanta na masasaksihan ninyo ay mga video na sariling gawa ng kanilang banda.

KIKOZPECTUZ - Mahiwagang Butas



KIKOZPECTUZ - Tulirong Laro



KIKOZPECTUZ - Wala Ng Gulo



KIKOZPECTUZ - Aninong Ligaw



Ano ang masasabi nyo sa mga kanya ng KIKOZPECTUZ? Maganda ba o hindi? Naimpress ba kayo o hindi? React na mga kapatid...

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: