Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, July 18, 2010

Mas Mahal Mo Ba ang DOTA?



Mas mahal mo ba ang DOTA? Ito ang tanong ng isang music video na sariling likha ng isang rapper. Tila marami nga ang nalululong sa Warcraft multiplayer game na ito. Ang DOTA ay isang offline multiplayer network gaming na pwedeng laurin sa isang internet cafe o computer shop. Pwedeng 2 on 2, 3 on 3, 4 on 4 o kaya ay 5 on 5 kung talagang marami. Sa mga wala namang makalaban masyado pwede ang 1 on 1.

Hindi lamang simpleng laro ang nangyayari sa DOTA sapagkat marami sa mga naglalaban sa larong ito ay nagpupustahan at madalas ay hindi simpleng pustahan. Mayroon akong nasaksihang pustahan na umabot sa P20,000 ang pustahan.

Marami ring manlalaro ng DOTA ang halos nalilipasan ng pagkain, pagtulog at pinagpapalit maging ang magulang at gf dahil sa DOTA. Nakakatawa at nakakapagtaka pero totoo at nangyayari.

Para sa akin ay hindi ito magandang senyales ng mga nangyayari sa kabataan. Una, wala namang masama akong nakikita na maglaro ng isang computer game subalit dapat ay moderated naman ito at kung may anak kayo na naglalaro dapat ay subaybayan ninyo at palaging pagsabihan. Pwede rin ninyong samaan ng sa ganun ay may gabay siya.

Isang malaking katangahan at kabaliwan kung mamahalin ng isang tao ng sobra ang paglalaro ng DOTA o ng kahit ano pang computer game. Mas mahalaga ang iyong mga kaibigan at mahal sa buhay. Siguro pwede mo lamang mahalin yan ng hgit kung iyan ay iyong trabaho ay kumikita ka dyan.

Salamat sa ideya at sa isang magandang artikulo na aking nabasa ukol sa DOTA mula sa Back2Gaming. Narito ang link.

Narito ang official music video ng Mas Mahal Mo Ba Ang Dota at sa ibaba ay ang Mas Mahal Mo Ba Ang Dota lyrics... enjoy...



LYRICS:

chorus:
bakit ba ganyan mas mahal mo pa ang dota
gabi gabi pagtulog ko ay kayakap lang kita
paggising sa umagay tinakasan mo na
tapatin mo nga ako
mas mahal mo ba ang pagdodota mo

Pag gising sa umaga almusal ko na ay dota
Kahit wala nang pera ay handa akong gumyera
Umaasa na akoy makaisa
Ikaw ay pumusta dudurugin ang kalaban
4on4 or 5on5 that shit will never matter you will lose motherfucker Im a farmer
and Im a killer
good game ka na bumawi na lang bukas

repeat chorus

isa dalawa tatlo magpupush mirana ko
hindi mapipigilan nakamanta na ako
pumapana, sapul ka nanaman , tangina ka patay ka nanaman bitch!
hinahabol may leap yan boi hindi maabutan kahit faceless void
tumi-tp na asa ka pa again tangina ka babalikan kita

repeat chorus

hindi kailangang magselos pa
hindi naman kita pagpapalit sa dota
anu bang ligaya ang dulot nyan
wala ka nang pakealam
matulog ka na lang

repeat chorus

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: