Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, July 20, 2010

Mikey Arroyo Napag-alamang Dating Security Guard. Ows di nga?

Paano magiging representative ng Ang Galing Pinoy (AGP) ang isang katulad ni Mikey Arroyo? Hindi ba sa party list law ay dapat tunay na kasama sa hanay ng nirerepresenta ng isang sektor ang kanilang nominado? Ang AGP ay isang party-list group na nagrerepresenta ng isang sektor at hindi isang pambansang partido pulitikal o kaya ay isang lokal na partido.

Maliwanag na ang ginawang pagproklama ng COMELEC kay Mikey Arroyo bilang representante ng AGP ay isang pagsampal at pagyurak sa batas ng party-list. Isa itong maliwanag na pagpapakita na kahit ang mga taga COMELEC mismo ay walang alam kung ano nga ba ang party-list.

Pansinin natin ang ilan pang nominado ng AGP:

2nd Nominee - Dennis G. Pineda, anak ni Pampanga Governor Lilia Pineda. Isa siyang tricycle driver na namamasada at lider ng isang TODA sa Pampanga.

3d Nominee - Bacolor Mayor Romeo "Buddy" Dungca, dating security guard at tagapagbantay ng BDO Angeles City Branch.

4th Nominee - Jerold Dominick S. David, taga Pampanga at barker sa paradahan ng tricycle sa Magalang, Pampanga.

5th Nominee - Ryan M. Caladiao, taga Pampanga rin at kasama dati ni Mayor Romeo Dungca bilang security guard ng BDO Angeles City Branch.

Ayan maliwanag naman pala na mga security guard at tricycle driver sila hindi ba? Bakit ba tayo nagrereklamo? Mga hindi kasi tayo nakakaintindi at ang COMELEC alam lahat.

Ito lang ang masasabi ko sa COMELEC (Commission on Elections... hmmm parang me naisip ako dun sa word na Komisyon... jejejeje ay ahahahha pala baka sabihin nyo Jejemon ako :)).... MGA PUSANG INA KAYO!... HINDI TANGA ANG MGA PILIPINO!

Salamat nga pala kay G. Ding Gagelonia para sa napakagandang imahe ni Security Guard Mikey Arroyo.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: