Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, July 1, 2010

Noynoy Aquino Inauguration Speech: A Critical Analysis

Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga nilalaman ng Inauguration Speech ni Pangulong Noynoy Aquino? May ibig sabihin nga ba ito para sa ating mga karaniwang tao? Ano ang posibilidad na matutupad niya ang kanyang mga sinasabi? Narito po ang aking munting pananaw at paghimay sa Noynoy Aquino Inaugural Address.

Una ay saludo ako sa paggamit niya ng Wikang Pambansa sa kanyang Inaugural Address. Bagama't para sa iba ay walang Wikang Pambansa at may prejudice sila sa Filipino ay mahalaga pa rin na sarili nating wika ang kanyang ginamit sapagkat ang talumpati naman niya talaga ay para sa mga Filipino at hindi sa mga dayuhan.

SInalamin ng Inauguran Address ni Pangulong Aquino ang katotoanan na ang problema ng ating bayan ay hindi masosolusyunan kung isang tao lamang ang kikilos o kung ang pamahalaan lamang ang aasahan. Sa kabuuan ng kanyang talumpati paulit-ulit siyang nanawagan upang tulungan siya ng sambayanan at ng bawat isa upang matupad ang pangarap ng bawat Filipino.

Binigyan niya ng pansin sa kanyang talumpati ang edukasyon, kapayapaan sa Mindanao at higit sa lahat, ang katiwalian. Inutusan na niya si Sec. De Lima na siguraduhin na makakatmtan ng bawat isa ang hustisya at siniguro din niya na pupursigihin niya ang kapayapaan sa Mindanao.


Nangako si Aquino na sa kanyang termino ay walang magnanakaw at babaguhin ng pamahalaan ang kalakaran ng lagayan, kotong at katiwalian.

Sinabi rin ni Pangulong Aquino at malinaw sa simula na hindi niya hinangad ang puwesto. Sinabi niya na kailanman ay hindi niya pinangarap na maging Pangulo at maging tagapagpasan ng mga problema ng bayan. Marahil sinabi ito ni Noynoy upang ngayon pa may ay umiwas sa anumang sisi na mangyayari sapagka't totoo naman hindi niya talaga ito pinangarap.

Ang taumbayan ang nagtulak kay Aquino upang kumandidato at sila rin ang bumoto at nagpanalo kay Noynoy Aquino. Maliwanag ang sinasabi niya na ang pangako at katuparan ng pagbabago ay hindi lamang sa kanya kundi ito ay dapat sa ating lahat. Hindi kakayanin ni Aquino o ng kanyang gabinete lamang at ng pamahalaan ang pagsolusyon sa mabibigat na problema ng ating bayan.

Maganda rin ang pagkapile niya kay dating Chief Justice Hilario Davide upang pamunuan ang Truth Commission na iimbestiga sa mga katiwalian noong panunungkulan ni dtaing Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Walang masamng magpatawad at makipagkasundo subalit bago mangyari ang laat ng ito ay dapat mabigyan muna ng hustisya ang bayan at kaliwanagan ang mga isyu.

Kung may mapapansin lamang siguro ako sa talumpati ni Noynoy Aquino ay dalawang bagay ito:

Una, sa kanyang paraan ng pagbabasa ay tila nagbabasa siya ng isang minemorize na speech... kulang sa buhay at kulang sa damdamin. Bagama't malaman ito at maliwanag ang mga binitiwang salita ay maaaring hindi mismong si Aquino ang gumawa ng kabuuan ng Inaugurad Address; at

Pangalawa, walang nabanggit na maliwanag na programa ukol sa Kalikasan. Isa sa mga inaabangan ko na may mabanggit na programa si Pangulong Noynoy ukol sa kalikasan at maging sa pagmimina sa Pilipinas. Dahil siguro sa kontrobersyal ang ilang isyu dito ay minarapat niya na huwag na munang isama.

Masasabi ko na maganda ang nilalaman ng kanyang talumpati subalit mas maganda sana kung matutupad ang lahat ng ito. Sa anim na taon niyang panunungkulan ay ito ang magsisilbing timbangan ng kanyang mga gagawin at babalikan bawat sandali.

Sa mga hindi pa maka move-on at patuloy na naninira sa ating Pangulo ng walang sapat na dahilan o dahil lamang hindi nanalo ang kanilang kandidato noong halalan ang masasabi ko lamang sa inyo ay buksan ninyo ang inyong isipan. Alin ba ang mas mahalaga sa inyo ang kinabukasan ng ating bayan o ang inyong mga pansariling kagustuhhan.

Hindi ko po sinasabi na maging bulag na tagasunod ni Noynoy ang sa akin lang ay magtulungan tayo upang pasanin ang Krus ng ating bayan nang sa gayon ay umangat na rin tayo sa wakas.

Sa mga hindi po nakapanuod ng Inaugural Speech ni Pangulong Noynoy Aquino nasa ibaba po ang Noynoy Aquino Inaugural Video. Narito naman po ang LINK sa "Complete Transcript of the Inaugural Address of President Noynoy Aquino."

Salamat po at Mabuhay ang Maharlikang Bayan!







Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

3 comments:

Ervin Ang said...

Natatakot lang ako na oo nga, demokrasya at sigaw ng bayan ang binigyan ng pansin noong siya ay nanalo. Ngunit di malayo abushin na naman natin ito. Maaari pagsamantalahan ang lawak ng ating magagawa ng walang nakikialam na kahit sino man. Wala kasi tayong takot sa pangulo kaya natin nagagawa ang mga bagay na to. Kung sana iparating niya sa bayan na kahit na "walang korupsyon" sa kanyang administrasyon, kaya pa rin niya maging lider na may pinaninindigan.

David D'Angelo said...

Dapat tayong makaisa at tumulong sa pamahalaan... hindi na lang yung puro reklamo. Wala namang masama na magreklamo pero dapat bukod dun ay tumutulong din tayo.

mae boone said...

this is the time that we have waiting for,magkaisa tayo,tulungan natin ang ating mahal na pangulong benigno aquino jr.