Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, July 26, 2010

Noynoy Aquino SONA: Kasama ka na ba sa Panata sa Pagbabago? Kung hindi pa SAMA NA!

Ngayong araw ay gagawin na ang kauna-unahang SONA ni Pangulong Noynoy Aquino. Ang SONA o State of the Nation Address ay pagbibigay ng kasalukuyang kalagayan ng bansa sa loob ng mga nakaraang taon. Nagbibigay rin ito ng pahiwatig at mga plano ng kasalukuyang pamahalaan ukol sa mga programang gagawin nito para masolusyunan ang mga problemang kinakaharap ng bayan.

Subalit anuman ang maging pahayag ni PNoy ay hindi pa rin niya ito magagawa king siya lamang ang gagawa. Kaya nga po nagkaroon ng "Panata sa Pagbabago" o Oath for Change noong kanyang inagurasyon. ito ay hindi panata ng pagsuporta sa kanya bilang tao kundi isang panata ng pagtulong at paglilingkod ng tapat sa ating bayan.

Kaya nga po minabuti namin na gumawa ng isang PETISYON para dito. Ang petisyon na ito ay ipapasa natin sa ating Pangulo sa sandaling makakuha tayo ng akmang bilang ng ating mamamayan na lumagda sa petisyong ito.

Inaanyayahan ko po kayong lahat na BASAHIN, LUMAGDA at IPASA sa mga kakilala at kaibigan ang PANATA SA PAGBABAGO na ito. Ito po ay isang tanda na tayo ay handang makiisa at maglingkod sa ating bayan.

Subalit hindi po ito dito natatapos. Sana po sa bawat lagda ay ilagay natin ang aitng nais iambag para sa pagbabago at kumilos tayo para tumulong sa ating bayan.

Muli po narito ang link at pagtulungan natin na maparami ito at maipaabot sa ating mga kababayan.

Lagda na... http://www.thepetitionsite.com/1/panatasapagbabago

Salamat po!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: