Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, July 24, 2010

Rally ng Militante sa SONA ni PNoy Sasamahan nina Siren at Banshee

Sabi ni Pangulong Noynoy Aquino ay dapat daw sa Quezon Memorial Circle na lang magwelga ang mga militante sa araw ng kanyang SONA o State of the Nation Address sa Lunes, Hulyo 26. Dahil dito nabalitaang kinakausa ng Bayan Muna, Akbayan at ng iba pang militante sina Banshee at Siren upang sumama sa kanilang welga. "Sa pamamagitan nina Banshee at Siren ay makakarating sa napakalayong Batasang Pambansa ang aming mga hinaing," sabi ng mga militante.

Sana nga pwedeng mangyari ito sapagkat isang malaking katatawanan ang sabihin ni PNoy na sa QC Circle magrally at magpahayag ang mga militante. Hindi ba niya naisip kung gaano kalayo ito mula sa Batasang Pambansa at isa pa ni minsan ay hindi pa ito ginawa.

Inakala nga ng mga militante na papayagan sila ni PNoy na makapasok sa mismong Batasan upang mapakinggan ang kanilang hinaing... yun pala mas malayo pang lugar ang gusto nito.

Nagulat talaga ako sa pahayag na ito na mukhang hindi talaga pinag-isipian. Para kay PNoy at sa mga alipores niya... wala naman sigurong masama o mawawala kung ating pagbigyan at pakinggan ang mga grupong ito.

Huwag na po nating hintayin na dumating talaga sina Banshee at Siren.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: