Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, July 20, 2010

Sablay ang GMA 7 sa Jeje Mom ni Eugene Domingo; Pinapalakas lalo ang Jejemon Culture

Nakita ko kanina ang teaser trailer ng bagong GMA 7 show na JejeMom na kung saan bida si Eugene Domingo. PAra sa akin ay malaking pagkakamali ito sapagkat sa halip na matigil na ang kultura ng Jejemon ay lalo pa itong papalakasin ng mga palabas na tulad nito.

Nakadagdag pa ang komento mismo sa teaser na nagsasabing "cool" ang ganitong nanay. Yun pala kung hindi Jejemon ang nanay mo ay hindi siya kasing cool ng isang nanay na Jejemon. Sana naman ay huwag na itong ituloy at pag-isipan muli ng GMA 7.

Bagama't totoo na pwedeng mag click ang palabas na ito ay masama namana ng maaaring ibunga nito sa kabuuan ng ating kultura at ng mga kabataan. Lalo pang magiging masigasig ang mga Jejemon sapagkat mararamdaman nila na cool sila.

Hindi cool ang pagiging Jejemon. Para sa akin ay dapat na ipagsigawan natin na ang pinapausong ito ay isang malaking kalokohan at pambabastos sa ating sariling kultura at wika. GO JEJEBUSTERS!

Kayo ano ba masasabi ninyo ukol sa Jejemon at sa Jejemom? Para sa hindi pa nakakaalam kung ano ang Jejemon narito ang video mula sa Kapuso Mo Jessica Soho...





Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Anonymous said...

Buhay nmn nila yan e hnd nmn tinatanong ung Nararamdaman e show nila yan bkit mo gustong palitan edi ikaw n mag direc nyan dame mo sinsabi ikaw rin nmn sablay