Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, July 23, 2010

Sadyang Matigas ang Ulo ng Pinoy (Filipinos are Hard Headed)

Opo matigas ang ulo ng mga Pinoy. matigas ang ulo ng mga Filipino. Kahit hindi ko sinasabing lahat ay ganun, karamihan ay masasabing nating ganun na nga. Alam ko marami ang magrereact pero sadyang masakit ang katotohanan at ayaw nating aminin na higit sa pamahalaan ang katigasan natin ng ulo at kawalan ng disiplina ang unang dahilan kung bakit ganito pa rin tayo hanggang ngayon.

Hindi na ako lalayo dito na lang sa aming bayan sa Baliwag. Sa araw-araw kong pag-iikot sa labas, pagbili sa Save More at pagpunta sa palengke ay marami ng halimbawa.

May traffic light dito sa Baliwag sa may parke o yung tinatawag na Glorietta Park at dito ka rin makakakita ng isang laksa (10+++) na taong tumatawid sa pedestrian lane. Wow! Galing sumusunod sa batas at tumatawid sa tamang tawiran. Opo... tumatawid sila sa pedestrian lane habang ang sabi ng stop light ay bawal tumawid ang tao. Kung masagasaan sino ang may kasalanan at sisisihin? E di ang drayber! Ayos!

Ito pa ang mas matindi. Pag go ng signal sa pedestrian lane ay hindi hihinto ang mga sasakyan at patuloy lamang sila. Yung iba nga mas binibilisan pa. Ayos!

Kapag naman tatawid ka ng tama sa tawiran ay pwede ka pa ring mabangga. Bakit? Sa pagtawid mo ay may biglang haharang sa iyong tricycle at sasabihing, "Sasakay ba kayo?" kahit isa o dalawang beses mong sabihing hindi ay mangngulit pa rin hanggang sa mapansin na inis ka na. Ayos!

Marami din dito ang may sign na NO PARKING pero marami ang nakapark, kaya dapat siguro ay YES PARKING na lang ang nakalagay. Ayos!

Sa may sign na Bawal Umihi ay doon pinakamapalot at sa may sign na, "Bawal Magtapon ng Basura," pag hindi dun mismo may nakatapon ay sa katabi nito na walang sign may isang tambak na basura. Ayos!

Minsan may isa akong nakausap na puro reklamo sa problema ng bayan. Ang daming nasabi kay GMA pati na kay PNoy. Tinanong ko sya kung anong ginagawa nya para sa mga problemang sinabi niya. Ang sagot niya "WALA." Tinanong ko siya kung nagbabayad ba siya ng buwis o rehistrado man lang ba ang kanyang negosyo. Ang sagot niya "HINDI." Ayos na naman!

Hindi lang sa Baliwag nangyayari yan kundi maging sa bawat sulok ng Pilipinas. Para ngang Survivor ang istilo natin eh. Tulad na lang sa pila ng tubig na napanuod ko kagabi sa saksi... "pautakan, paunahan at pagalingan." Ayos!

Yan ba tayo?

"Uy hindi kami ganyan!"

"Sobra ka naman magsalita sa mga Filipino!"

"Bakit Pinoy ka rin naman di ba?"

Opo, Pinoy po ako pero totoo naman ito hindi ba? Matagal na itong sinulat ni Bob Ong pero wala pa ring nagbago. Mas matindi nga si Bob Ong eh kasi ang website niya ay tinawag na "Bobong Pinoy."

Bobo ba talaga tayo? Hindi naman siguro... sadya lang talaga sigurong pasaway.

Sa ibang bansa ba ganito rin tayo? Ang tumataginting na sagot... HINDI!

Sabi nga raw ang mga Filipino o Pinoy sa ibang bansa ay isa sa pinakadisiplinado... sana dito rin sa Pilipinas.

Salamat po at salamat sa pagbabasa kung nagbasa man kayo...

Sa huli nais ko iwanan ang sinasabi noon palagi sa isang palabas sa TV... HOY GISING! ANG TAMAAN HUWAG MAGAGALIT... SAPAGKAT ITO AY BUMUBUKOL!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: