Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 21, 2010

Ano ang Silbi ni Ninoy Aquino? (What is the Improtance of Ninoy Aquino?)


Ngayon ang araw ng pagkamatay at pagpaslang kay Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. Binaril siya sa tarmac ng Manila International Airport (MIA) na ngayon ay Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na. Pagkabaril sa kanya ay hinila siya na parang baboy at isinakay sa isang Avsecom van. Walang nakakita kung sino ang direktang bumaril basta ang alam ng marami ay sa likod siya binaril at patay na si Galman ng ito ay dalhin sa tarmac.

Kung hindi si Galman ang bumaril ay sino? Ayo sa mga eksperto at sa mga larawan ay ang sundalo sa likod ni Ninoy ang bumaril sa kanya. Tila pinatunayan na ito ng maraming larawan pero ang hindi alam hanggang ngayon ay sino nga ba ang nagpapatay sa kanya?

May mga nagsasabing si Marcos daw ero para sa akin hindi ito magagawa ni Marcos dahil alam niya na ang kamatayan ni Ninoy ay tiyak na magpapabagsak sa kanya. May mga nagsasabi rin na sina Imelda at Fabian Ver daw ang nagplano nito at may mga ilang nagsasabi na ang pinaka utak daw ng lahat ay si Danding Cojuangco.

Pero mahalaga pa ba na malaman kung sino ang utak? Sa tagal na panahong lumipas mukhang malabo na.

Para sa atin sa kasalukuyang henerasyon ano ba ang naging silbi naman ni Ninoy Aquino at ng kanyang kamatayan? Ikaw ba ano ba sa palagay mo?

Para sa akin simple lamang... naibalik ni Ninoy ang demokrasya sa ating bayan at naipakita niya ang tunay at tapat na paglilingkod sa bayan na handang ialay ang buhay para rito. Hindi lamang siya nagprotesta at nagreklamo kundi kumilos din siya.

Ikaw ba... ano ba ang silbi ni Ninoy Aquino para sa iyo? Meron ba o wala? O baka naman wala ka talagang pakialam...



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: