Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, August 8, 2010

'Don't use my name in projects' - President Noynoy Aquino


Matagal ko ng pangarap at sinasabi ito. Sinasabi ng mga kakilala ko noon na parang sirang plaka na raw ako sa kakasabi na dapat walang pangalan ng mga public officials sa mga government projects sapagkat hindi naman sila talaga ang nagpagawa at gumastos dito. Sa wakas magkakatotoo na rin yata ito at si PNoy mismo ang magpapasimula.

Sabi ni PNoy sa lahat na huwag ilalagay ang kanyang pangalan at kahit larawan sa anumang government projects sa dahilang una ay mahiyain siya at pangalawa ay hindi raw ito akma at nararapat.

Tama ka dyan PNoy... pero sana nga pati yung sa Hacienda Luisita ay maayos at mabigyan na ng katarungan ang mga magsasaka doon.

Anyway (ano nga ba Tagalog sa ANYWAY?... hmmm), bilang suporta kay PNoy ay nagfile ng Senate Bill sina Sen. Chiz Escudeo at Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Isinumite ni pareng Chiz ang Senate Bill 2187 na naglalayong parusahan ang mga pulitiko o opisyal at kahit sinuman na ipapangalan o lalagyan ng pangalan ng pulitiko ang anumang proyekto ng gobyerno tulad ng waiting sheds, ambulances at basurahan. Marami ako alam na may ganyan SB, Bayani o kaya ay "Ganito sa Makati"... hmmm...

Ang idol nating lahat na si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay pinuri naman si PNoy at nagfile ng kanyang sariling bill, ang "Anti-Signage of Public Works bil"

"It is a prevalent practice among public officers, whether elected or appointed, to append their names on public works projects which were either funded or facilitated through their office. This is unnecessary and highly unethical," sabi ni Miriam. Syempre English yan kasi dyan malupet si Miriam nuh.

Salamat PNoy at sana ay hindi po ito ningas-kugon!

Narito po ang kabuuan ng magandang balita... ATING BASAHIN.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Jepoi Ordaniel said...

I love this policy! Sana ma approve AGAD!

Shen Brood said...

Sana nga ma approve agad :)