Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 7, 2010

Fund Raising na ba talaga ang kasal at binyag?

Alam ko pag nabasa na naman ito ni Mei magagalit. Sasabihin nagblog na naman ako tunghkol sa isang bagay na pinatalunan namin. Nagtataka lamang naman ako kung bakit may "cash threshold" ang mga binyag at kasal ngayon. Tapos marami pa sa mga invitation nakalagay "cash wedding" at buti nga wala pa ako nakikitang "cash Christening" o "cash baptism."

Para sa akin ang kasal at binyag ay mga sagradong okasyon na hindi dapat pera ang pinapairal. Dapat ay malayang magbigay ang mga Ninong at Ninang kung ano ang gusto nilang ibigay sa bininyagan o sa bagong kasal. Higit kasi sa pera ay dapat nandun ang mga ninong at ninang para gabayan ang kanilang mga inaanak at para sa akin iyon ang bagay na hindi mapapaltan ng pera.

Kung ang mga ninong at ninang ay iisipin na ang mahalaga lamang pala ay pera ay nawala na ang kanilang mga tunay na tungkulin sa kanilang inaanak. Madali lang magbigay ng pera pero tunay na mahirap at malaking responsibilidad ang maging isang ninong o ninang.

Sana naman ay hindi talaga gawing fund raising na lamang ang mga kasal at binyag. Atin pong isipin na higit sa pera ay may mas malalim pa itong kahulugan.

Salamat po!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: