Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 7, 2010

I Agree with the MRT and LRT's Fare Hike


Opo sang-ayon ako na taasan ang pamasahe sa MRT at LRT. Sasabihin nila na mayaman ako o kaya ay walang pakialam sa iba pero may sarili akong dahilan. Tingnan mo kaibigan base sa mga pag-aaral ay sadyang malaki na ang nalulugi sa MRT at LRT at gobyerno ang nagpapasan nito. Saan ba nangagaling ang pinapang subsidy dito? Hindi ba at sa pera rin ng taumbayan? Ito ay galing sa mga tax na binabayaran at habang nalulugi ay lumalaki naman ang ating pagkakautang.

Hindi naman ako sang-ayon na gawing 60 persos ang pamasahe sapagkat sobrang laki naman ng pamasaheng ito. Mas okey pa siguro kung ipapantay ito sa pamasahe ng jeep at ng bus o kaya ay ayos na kung P30 ang mula Monumento hanggang Taft Avenue sa MRT. 100% na pagtataas pero affordable pa rin naman at reasonable. Mas mababa pa rin yan ng 30 pesos sa dapat na maging singil ng MRT.

Sana nga po bago magprotesta ay tingnan din natin kung ano nga ba ang dahilan at dapat itaas. Bago tayo tumutol ay tingnan din natin kung may katwiran ang isang proposisyon. Kasama po ninyo ako sa pagbabantay sa ating bayan subalit para sa akin kailangan din nating maging makatwiran at umintindi.

Wala po sanang magagalit :)


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: