Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, August 2, 2010

May ASUS Store na sa SM Mall of Asia! Yehey!


Opo mga kaibigan may branch na nga ang ASUS sa SM Mall of Asia. Binuksan ito noong July 23, 2010 at sadya namang nakakamangha ang mga bagong produktong kanilang ipinakita sa mga dumalo sa pagbubukas ng kanilang pinakabagong "concept store."

Siyempre kapag may ASUS Store andun din ang mga bigating produkto nila tulad ng walastik sa performance na Asus Maximus III Extreme motherboard. Pag ikaw ang nagkaroon nito tiyak hataw ang gaming mo at graphics. Yakang-yaka nito ang extreme overclocking... as in! Ikaw na ang hari ng games kapag meron ka nito.

Pinakita din nila ang matitinding ASUS G Series at ASUS N Series laptops. Isipin mo na lang sa laptop nila di mo na kailangang bumili ng extra speakers sapagka't full surround at 3D sounds ang dala ng mga laptop na ito. Hindi lang iyon swabe pa ang video card at pwedeng pwede ka pang maglaro ng pinakabagong Starcraft II: Wings of Liberty.


Handa ka na bang bumisita sa pinakabagong ASUS Concept Store at tingnan ang pinakamagagarang produkto ng ASUs? Kung ganun tara na at bumisita. Matatagpuan ang ASUS Store sa second floor ng Mall of Asia malapit sa North Parking katabi ng Hypermarket at McDonald's.


Kapag ASUS siguradong WALASTIK!

(Ang mga larawan nga po pala ay mula sa HyperGear Magazine... huwag pong magagalit pahiram ng konti. :) )

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: