Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, August 2, 2010

Pantene Deceived People in Its Facebook Page: Where is the Ethics?



"I Commit to Change." Yan ang pangalan ng Facebook Page ng Pantene. Nang magsimula ito mga mahigit isang buwan na ang nakakaraan ay isa ako sa mga unang sumama at inimbitahan ko pa ang lahat ng aking mga kaibigan para makiisa. Sa kanilang mga pinalabas sa FB page at sa mga note maliwanag na sinabi na ito ay isang "movement committing for change." Kahit minsan walang binanggit na isa itong commercial product o brand.  Basahin kung paano NILOKO NG PANTENE AT GINAMIT ANG PUSONG BAYANI NG PINOY...

Nagpacontest sila ng iPad. Magsumite raw ng istorya na nagpapakita ng pagbabago at makakapag inspire sa iba. Nagbahagi ako ng aking kuwento ng buhay upang mabigyang inspirasyon ang marami. Sa kasawiang palad ay hindi napili dahil hindi daw nashortlist. Ganun din ang ginawa ng aking kakilalang si Mei Velas, nashortlist ang kanyang istorya ng pag-ibig, pagkasawi at muling pagbangon.

Bilang tulong sa isang movement, ang I Commit to Change at sa pagsuporta sa gender sensitivity campaign para sa kababaihan inilagay ko sa ilang FB page ang I Commit to Change at tumulong para mas marami ang makaalam nito.

Lumipas ang mga araw at unti-unting nagbago ang lahat. Nahubaran ng maskara ang I Commit to Change... nagbago ng dahan-dahan ang logo at biglang lumabas ang PANTENE.

Facebook page pala ng Pantene ang aming napuntahan at inirekomenda sa lahat ng aming mga kaibigan. Naloko kami sa pagaakalang isang totoong samahan at nagmamalasakit na movement ang aming napuntahan yun pala ay isang ploy para sa isang marketing campaign ng isang multinasyonal na kumpanya.

Tama ba ang ginawa nilang panloloko na ito? Ganito na lang ba ang pambabastos na gagawin sa mga may marubdob na hangarin para sa pagbabago at pwedeng pagsamantalahan ang hangarin ng bawat isa na maging maganda ang ating bayan?

Maliwanag ang panlolokong ginawa ng Pantene sa Facebook. Pinaniwala nila ang bawat sumasali na isa silang movement pero yun pala isa silang marketing campaign ng isang shampoo brand.

Sinabi nyo ba nung nag relaunch kayo sa ASAP XV na may I Commit to Change at niloko ninyo ang mga bloggers at ang mga Facebook fans ninyo?

Narito ang ebolusyon ng kanilang logo na maliwanag na isang panlilinlang...


Ito ang unang logo... mukhang movement na movement ah.... galing di ba?  Narito naman ang pangalawa.... sabi ko pa nga nang makita ko ito, "Seryoso na talaga sila."

'
Nang biglang... TADANNNN!!! SHAMPOO PALA!



Nakakahiya kayo! Nasaan ang ethics ng kumpanyang ito at nagawa nila ang ganitong panloloko. Mula ngayon AYAW KO NA SA PANTENE! Mahiya naman kayo!

Sa aming mga kaibigan at kakilala at iba pa na nais iparating sa mga kompanya na tulad nito na NILOLOKO ANG TAUMBAYAN... PAKIPASA PO SA LAHAT NG PWEDENG PASAHAN!

Salamat Po!

UPDATE PO PALA 8/2/2010 2:01AM: Gumawa na po ng Facebook Profile mismo na I Commit to Change at ginamit ang old logo. Bago pa lang ang profile dahil konti pa lang ang friends. Eto ang sagot at pm nila sa akin.

Hi David,

We understand where you're coming from and respect your opinion. On our end we would like to reiterate that the intention was sincere when we created this movement. We created this for women to share and encourage others to make that change in their life, whatever it may be.

We stand true in our commitment to everyone when we created the page. But we understand that sometimes people may not always agree, and know that we completely respect your opinion. Know that we do not wish to deceive anyone. We merely introduced a movement - a movement we envision for women to commit to change - a movement we strongly believe in and would like to take further to inspire more women.

Sincerely,

I Commit to Change Team

Committed nga ba sila? Bakit walang disclosure na konektado ito sa isang produkto noong simula pa lamang at bakit kailangan mabigla na lang ang lahat sa huli? Hindi ba panloloko ito? Kaya nga sa mga blogs pag may ads ka dapat may disclosure eh... sa inyo pa kaya!

UPDATE PO #2 8/2/2010 2:05AM: Just get banned from posting in the I Commit to Change Wall. Ayaw na po nila pakinggan ang lehitimong hinaing ng isang karaniwang Filipino. NAKAKAHIYA! Hindi lang po pala ako ang binusalan nila kundi lahat ng members ng fan page bawal na magpost sa wall nila.

Bago nga po pala baguhin ang ORIGINAL INFO NA NAKALAGAY sa I Commit to Change page ay ilalagay ko na po dito...

http://www.facebook.com/icommittochange

http://www.twitter/com/icommittochangeMission:Our mission is to bring together women who intend to bring beautiful changes into their lives. The change could be as simple as having dinner with their families every night. Or losing at least a pound every month. Or cheering up the office receptionist every morning. Or, if you may, kicking that nasty habit of midnight snacking. Or smoking. Or working overtime. It doesn't have to be life-changing all at once. Just little steps towards that one big goal. Or small acts that when put together become a testament of a life well lived.

The key to making that change happen is making the commitment. Right now.Products:We hope that the end product of this endeavor is a community of women who live the life they dream of, who pursue their passions with abandon, who embrace life in all its beauty, and who brave change in all its forms. We hope to share the key to change. That it all begins with a commitment. Cheers to fabulous transformations!Facebook Page:http://www.facebook.com/icommittochange

Makikita po dyan kahit isang mention ng commercial product o Pantene ay wala.

UPDATE PO #3 8/2/2010 2:28AM: Pansinin ang dahan-dahang pagpapalit anyo at paglkalagay sa kapangyarihan ng komersyalismo at pagpapapanggap.


Napakaganda di ba?  Isang gender-sensitive na movement... napabelieve talaga nila ako.  Pero dito sa sumunod medyo nagtaka ako at nagduda...

Hmmmm.... wala pa ring sinasabi at puro patikim.  Para kang pinapatakam at pinapasabik.  Siguro hinihintay na dumami pa ang fans ng FB page nila.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Wisecrack said...

Actually, David... parang ang bobo mo para di ma-notice na isa syang marketing ploy. I knew it from the start. Bakit ba napaka bitter mo? Dahil hindi man lang na shortlist entry mo no? Kawawa ka naman.. paulit ulit.. paulit ulit... yung mga taong katulad mo walang patutunguhan. Geez.

Shen said...

Una hindi lang ako ang naka notice nito at saka walang kinalaman ang hindi pagkakasama ng entry ko sa shortlisted entries. Kung si Mei Velas nga na isang veteran PR professional ay hindi nakita ito ako pa kaya.

When it says I Commit to Change movement at the very start noong 300 plus pa lang ang members you will never know that it is about Pantene.

.. At saka kapatid... indi ako bobo at hindi ako bitter! I am a blogger and a writer... a crusader for truth and fairness... ako alam ko may patutunguhan ako... baka ikaw ang wala.

Kahit nga totoo mong pangalan hindi mo naipakita. Ah... siguro nga magaling ka kasi nakita mo agad na isa siyang marketing ploy.