Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, August 26, 2010

The Police, The Media, and the Manila Bus Hostage Crisis: A Reaction

Sa Pilipinas pag may pumalpak sigurdao na ang kasunod ay hahanap tayo ng sisisihin. May nagsasabi ang may kasalanan daw ay ang mga pulis dahil hinuli nila ang mga kaanak ni Rolando Mendoza. May mga nagsasabi rin na ang media daw dahil ipinakita pa raw nila ang paghuli sa mga ito.

Para sa akin iisa ang maliwanag dito... PUMALPAK ANG MGA PULIS! Palpak ang naging operasyon ng mga pulis sa kasong ito. Madali naman sana na lansihin at ibigay na kay Mendoza ang kanyang mga hinihiling. Sabi nga ni CHR Chairperson Etta Rosales, "Give it to him." Pero pinatagal pa at pinaabot ng gabi.

Hindi rin nila nasecure ng maayos ang area na pinangyayarihan ng krimen at hindi rin sila (sa aking pagkakaalam) nagpatawag ng Press Conference o Press Briefing ng sa gayon ay maging coordinated at well informed ang media tungkol sa dos and don'ts sa ganitong mga sitwasyon. Kaya ang nangyari ay walang habas ang pagcocover at paglive coverage ng media.

Mali rin ang paghuli nila sa mga kaanak ni Mendoza at pagdadawit sa kanila. Hindi ba mas maganda kung ang mga ito mismo ang kanilang pinakiusapan upang tumulong at hikayatin na si Mendoza upang sumuko. Pero sa halip na ganun ang gawin ay hinuli nila at tila nagmukha pang mga baboy ang mga ito. Muntik pa ngang atakihin sa puso ang isa.



Ang media ay maaaring mayroon ding pagkakamali sapagka't marahil di na nga dapat ipinalabas ng live ang pangyayari ng paghuli sa mga kaanak ni Mendoza, pero hindi ba tungkulin din ng media na iparating ang mga kaganapan sa tao? Ito ang kanilang papel na ginagampanan at para sa akin ginawa lamang nila ang kanilang dapat gawin.

Sa sitwasyong nangyari marahil ay alam din ng media na may TV sa loob ng bus at dapat ay naghinay-hinay sila sa pagcover at inisip na napapanuod din ang mga ito ni Mendoza. Subali't hindi dapat sa kanila ibunton ang sisi, maliwanag kung sino ang nagkulang sa nangyaring hostage crisis. Dapat managot sila sa maling pagtantya sa sitwasyon na naging dahilan ng pagkamatay ng 10 Hongkong Nationals.

In behalf of the entire Filipino people, we would like to extend our heartfelt condolences to the family and friends of all of those who have died in the bloody Manila Bus Hostage Crisis. It is never our intention to harm anyone and this incident is indeed very unfortunate.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: