Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 7, 2010

President Noynoy Aquino's First Paycheck



Sumuweldo na nga pala si PNoy at ang halaga ng kanyang sweldo ay P63,002.17 (mula sa kabuuang nasa P90,000). Mas mataas ito ng di hamak sa karaniwang sweldo ng mga manggagawa na karaniwan ay below the minumu wage ang sweldo. Mas mataas din ito sa mga call center agents. Sabi pa nga ng ilan mabuti pa raw si PNoy at malaki ang sweldo.

Para sa akin di hamak na sobrang liit ng suweldong ito ng Pangulo. Sa laki ng responsibilidad na kailangan niyang gampanan at sa dami ng taong araw-ara ay binabantayan siya upang masilipan siya ng butas ay di sasapat ito.

Sabagay mayroon namang mga perks ang pagiging isang Pangulo sapagkat hindi lamang naman yan ang tunany na gastos ng pangulo. Puwede kang magbyahe saan man sa mundo, mayroon kang reserve seats sa mga concerts o anumang events, libre ang pagkain mo, libre ang kotse, libre ang gas, libre ang kuryente at tubig, libre ang security guard at marami pang iba.

Kung tutuusin marahil ay umaabot siguro sa mahigit P100,000 - P300,000 ang buwanang nakukuha ng isang pangulo kasama ang sweldo at mga benepisyo.

Pero higit pa sa isyu ng sweldo ni PNoy ay sana magampanan niya ng maayos ang kanyang tungkulin at nang sa gayon ay guminhawa na ang ating buhay. Sana kasing ganda na ng ngiti ni PNoy sa larawan ang ngiti ng bawat Pinoy.

Salamat nga pala sa Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: