Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, August 18, 2010

Trip Mo Ba ang ASUS Gadget na Ito? (Do you like this ASUS Gadget?)


Bilang miyembro ng ASUS XPC o ASUS Xtreme Powerclub ay nabigyan ako ng pagkakataon na masilip ang isa sa parating na gadget ng Asus dito sa Pilipinas. Bagama't hindi pa nila tuwirang sinasabi kung ano ito ay mukhang maganda at cool kung magkakaroon ka nito.

Ang nasabing gadget na animo ay isang maliit na computer ay tatakbo sa ilalim ng Android 2.2 na Operating System. Ayon mismo sa ASUS, ito ang isa sa pinaka stable na OS ngayon... hmmm buti nga hindi Windows based... para sa aking kasi mas okey kapag Open Source ang gamit.

Sa pamamagitan ng ASUS gadget na ito pwede kang makapag-internet, magFacebook at syempre kasama na dyan ang Farmville, Pet society, Mafia Wars at marami pang iba. Pwede ka ring mag check ng iyong e-mail.

Ang isa pa sa maganda sa device na ito ay may WiFi at 3G support kaya basta may internet sa isang lugar at accessible ay pwede kang makasagap ng connection at pumasok sa internet... Astig di ba?


Mayroon ding 3.1 Megapixels na camera ito na pwede sa picture picture kasama ang iyong mga kaibigan. Malaki rin ang screen resolution na sinasabing may 8.9’’ LED Backlight WSVGA Screen. POwede ka ring kumopya ng files sa mga kaibigan mo at kaberks dahil mayroon itong USB OTG 2.0 (Mini port) at MMC/SD Card Reader.

Kaya ano pang iniintay ninyo? Paglabas ng gadget na ito tara na at bumili sapagkat basta Asus ay tiyak cool! Sa last quarter ng 2010 ang labas ng ASUS gadget na ito sa mga ASUS stores at resellers nationwide.

Para sa mga latest na update tungkol sa Asus punta na sa ASUS FACEBOOK PAGE at maglike na... Taralets...


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: