Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, August 18, 2010

When Will the Philippines Learn to Grow Up?


Nabasa ko sa blog ni Nina Terol-Zialcita ang artikulong, "When Will the Philippines Learn to Grow Up?" at binasa ko rin ang mga comments doon. Marami sa mga nagcomment ang tila sinasabing ininsulto daw ni Nines ang mga Filipino sa kanyanga artikulo. Insulto nga ba ito o marami sa atin ang patuloy na nagbubulag-bulagan at ayaw tingnan ang ating sariling kamalian.

Sa aking artikulong, "Sadyang Matigas ba ang ulo ng mga Pinoy?" o "The Filipinos are Hard Headed" dinetalye ko doon ang mga simpleng bagay na hindi man lamang sinusunod ng karamihan sa atin tulad ng pagtawid ng tama, pag-ihgi sa kung saan-saan at marami pang iba.

Kung gusto nating umunlad ang ating bansa kailangan nating matuto at lumago bilang isang mamamayang Filipino. nagsisimula ito sa sarili, sa pamilya at hanggang sa maging mabuting halimbawa sa iba... pero minsan hindi rin epektibo dahil ang iba ay wala na ring pakialam.

Dahil kaya sa hirap ng buhay kaya kanya-kanya na ang labanan ng bawat Pinoy? Sadya bang mas madaling sisihin ang pamahalaan sa lahat ng problema ng bayan?

Ang katotohanan ay mahirap tanggapin pero kung gusto nating lumago bilang isang bayan ay dapat nating tanggapin na kailangan nating magbago at tumulong sa pamahalaan. Tayo ay bahagi ng pamahalaan. Tayo ay kasama sa problemang dapat masolusyunan.

Hindi puwedeng puro reklamo. Hindi pwedeng puro-kontra. At lalong mali ang walang habas na patudsada at tawagin mo pa ang sarili mo na anti-pinoy... nakakalungkot pero yan ang tunay na pambabastos sa ating bayan.

Sama-sama tayong bumangon, magtulungan at umunlad bilang isang bayan, bilang isang dakilang lahi... bilang isang maharlika.

Narito po ang artikulo ni Nina Terol-Zialcita, "When Will the Philippines Learn to Grow Up?"

Salamat po sa pagbabasa!



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: