Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, September 6, 2010

My Bulacan, My SM: A Cultural Celebration of Bulacan


Ang Bulacan ay lalawigan ng mga bayani at ng kasaysayan. Sa Bulacan natatag ang tatlong pinaka-unang republika sa Asya tulad ng Republika ng Biak na Bato noong Hulyo 7, 1897 at ang Republika ng Malolos na natatag sa Barasoain Church. Dito rin binigyang tibay ang pinakaunang Konstitusyong Republika sa buong Asya ang Constitución política de la República Filipina noong Enero 21, 1899.

Tunay na makasaysayan ang Bulacan at sa pamamagitan ng paglinang sa kasaysayan at kultura na isa sa mga pangunahing isinusulong ng bagong Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Willy Sy-ALvarado ay mabubuhay sa bagong henerasyon ang pamana ng nakaraan.


Noong nakaraang Sabado, Setyembre 4 ay inilunsad ng SM Supermalls sa Bulacan, ang SM City Baliwag at SM City Marilao ang "Meet Me In Bulacan" ng proyekto nilang "My City, My SM." Dito ipinakita ang likas na kalinangan ng lalawigan ng Bulacan, kasama na ang mga angking talento sa sining, pagsusulat, disenyo at marami pang iba. Andyan ang paggawa ng pastilyas at ng kinortehang papel ni Nanay Luz at andyan din ang Singkaban ni Tata Kiko. Matandang sining na hanggang ngayon ay nagpapa-alala ng kalinangan ng lalawigan.

Dagdag pa dito ang Buntal Hat ng Baliwag na sinimulan ni Dolores Maniquiz at ipinasa sa mga tulad ni Gng. Rosie Guinto ng Baliwag Buntal Hat Enterprises. Bumida rin ang pambansang.com na nagdala ng himig at desenyo ng kasaysayan sa kanilang mga bag, t-shirts at marami pang iba. Wag rin nating isnabin ang Puni, mga aklat na gawang Bulacan ni G. J. Corpuz at ang mga accesories at kwintas na gawa ng G. Papa.



Sa paglulunsad ng "Meet Me in Bulacan" ay tumugon ang SM Supermalls sa layunin na ipasa at maiparating sa bagong henerasyon ang kulturang baka malamon na ng makabagong teknoloiya at panahon. Marami ring ipinamalas na sayaw na pumukaw sa mga mata ng mga nagsipunta sa Sm City Marilao upang tunghayan ang "Meet Me in Bulacan."

Hanggang sa inihaing pagkain ay talaga namang Pinoy na Pinoy. Pinuno ng mga kakanin ang bawat plato ng mga bisita. Mga kakaning tunay na atin tulad ng puto, kutsinta, sapin-sapin, gulaman, majah blanca, suman at marami pang iba. Ang naghain ay isa ring taal na taga Bulacan at taga bayan ng Baliwag.


Tunay na puno ng kasaysayan ang nangyaring paglulunsad ng "Meet Me in Bulacan - My City, My SM". Salamat sa SM Supermals at sa mga tagapamuno nito sa Bulacan na sina Engr. Dennis Martel ng SM City Marilao at Architect Andrew Cristobal ng SM City Baliwag.

Mabuhay din ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gobernador Willy Sy-Alvarado at Bise-Gobernador Daniel Fernando, kasama na riyan ang Panlalawigang Turismo.

Isang karanasang puno ng kultura ang aming napuntahan kasama ang aking maybahay na si Mei Santiago at ang isa pang kasamang blogger na si Jay-L Santiago.

[MORE PHOTOS HERE]


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: