Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, September 7, 2010

TAYO na! Join the 8th Search for the Ten Accomplished Youth Organizations.

Pagkakataon na ng mga organisasyon na mabigyan ng parangal, papuri at pagkilala para sa kanilang mga nagawang proyekto sa taong 2009 sa pamamagitan ng TAYO 8 o 8th Search for the Ten Accomplished Youth Organizations. Kung ang iyong organisasyon ay may 15 mga kasapi at namumuno na 15-30 years old at sa tingin ninyo ay may proyekto kayong nakatulong sa komunidad, sa paaralan at sa iba pa... SALI NA!

Bibigyan ng TAYO Awards Foundation ang 10 mapipiling samahan ng tig P50,000 at media exposure para sa kanilang samahan at proyekto. Hindi ba isa itong malaking pagkakataon para maipamalas sa iba at mainspire rin sila na maglingkod sa ating bayan.

Para sa dagdag kaalaman at impormasyon pwede kayong magtext sa 0917 TXT-TAYO (898-8296) o mag e-mail sa tayo.secretariat@gmail.com. Sa September 15, 2010 ang deadline ng pagsubmit ng inyong mga entries. Pwede rin kayong bumisita sa www.tayoawards.net.

Ang TAYO ay sinusuportahan ng Coca-Cola Foundation Philippines, Inc., at pinangangasiwaan ng National Youth Commission, TAYO Awards Foundation at ng Opisina ni Senator Kiko Pangilinan. Suportado rin ang 8th TAYO ng Department of Social Welfare and Development, SM Supermalls, SM Cares Foundation, at ng Philippine Council for Young Leaders in Governance.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: