Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, October 20, 2010

Ang kalokohan ni Bien Carlo

Natuwa naman ako sa post na ito na ginawa ng isa kong kaibigan at kasama sa Cosplay World... na si Azriel... ehehe di ko alam real name nya yata till now pero siguro Bien Carlo yun. Narito po ang kanyang mga aral at mga mumunting saloobin.

Share ko lang sa inyo~ enjoy ginawa ko to nung 2008 pa xD

ANG
MGA
TAONG
WALANG ALAM GAWIN KUNDI
WALANG
GAWIN.


INTRODUCTION

Ang Librong ito ay gawa lamang ng isang 2ndyr. College student. Kaya kung meron mang mga mali o negative reactions, ok lang yan wala akong paki sa nararamdaman mo! Hahaha peace!! Ginawa ko itong libro na to para maiparating sa bawat tao sa Pilipinas na kahit sinong Pilipino ay kayang gawin ang lahat ng bagay na gugustuhin nila kung-gusto talaga nila itong gawin. Dahil para sa akin ang lahi nating mga Pilipino ay ang mga pinaka-magaling at pinka-gwapo dahil nandito ako =D oh yeah!!

Madalas pag ang isang Filipino ay susubok lumaban sa isang foreigner sa kahit anong klase ng Sports at mga Competition, ang madalas na unang sabihin ng isang Filipinong walang paki-alam ay “Mapapahiya nanaman tayo jan” o di kaya “Talo nanaman tayo” madalas ko itong marinig sa mga tambay at mayayabang na tao ng ating atin bansa, Lalo na pag Olympics. Madalas ko pang marinig na “Ang T naman ng mga players ng pinas” na nang-galing pa sa isang FILIPINO. Bakit ba tayo ganun? Bakit ba madalas wala tayong tiwala sa sarili natin? At sa ating bansa? Hindi niyo ba alam na “Filipino makes the world go round”

Dahil kahit saang sulok ng mundo ay may Pilipinong nagtra-trabaho. Hindi din naman tayo pwede laiitin kung ang mga Pilipino ay nagtra-trabaho ng kung ano-ano sa ano mang-sulok ng mundo dahil, Ang mga foreigner nga di kayang mag-linis ng mga kanal eh. Di nga nila kayang alagaan ung mga magulang nila matanda na eh! Na kailangan pa nila ng mga D.H, Anong klase yun? Magulang mo, di mo manlang maalagaan? Eh sino ba yung mga magulang mo? Diba sila ung nag-pakahirap para lang mabuhay ka? At maging kung ano ka sa kinakatayuan mo ngayon? At para sabihin ko sa inyong mga Pilipino panis na panis ang mga foreigner pag dating sa suntukan!!! >:D hahahaha….


TO ALL THE LOVERS

Kaya sa mga taong nag-mamadali at sa mga taong atat mag-karoon ng Bf/Gf at Husband/Wife ahm… Di ko sure pero masasaktan lang kayo dahil pag ang LOVE ay minadali promise merong mag kakamali. Para yang Program sa computer na pag-minadali mo ang pag pro-program at di mo na tinignan kung may mali ka o wala, 100% sure ako may error ka na mag papasakit ng ulo mo. Para din itong pag-luluto na pag nilakasan mo ang apoy para maluto agad ito ay masusunog o di kaya ay half-cook ang kalalabasan :D na sisira pa ng iyong tiyan.

Kaya play-safe lang lagi. Kung lalake ka, idaan mo nalang sa dota ang oras mo para naman mag-enjoy ka!! Ahahahaha or kung babae ka naman ahm… mag Barbie doll ka? Or sorority life sa facebook? Hehehe. Basta easy lang sa lahat ng bagay, Di mo kailangan seryosohin ang buhay dahil ang buhay na mismo ang se-seryoso sayo. Sabi nga ni Joker ‘Why so Serious?” diba?


Sa mga manloloko

Bakit ba kayo nang-loloko? Anong trip niyo? Malamang sa malamang naloko nadin kayo no? hahahaha!! Kawawa naman kayo ang e-engot niyo kasi!! Alam niyo kung naloko na kayo pwede bang wag niyo na idamay ang ibang tao? Mahiya naman kayo please!! wag niyo na gawin sa iba ang minsan ng nang-yari sa inyo! Para yang swine flu na pag alam mong meron ka, I-quarantine mo na ang sarili mo at mag pagaling? Kung ok lang naman. Kasi nakakapikon kayo eh!! Di na nga kayo gwapo/maganda nang-gagago pa kayo! Kung maganda at gwapo naman kayo, ahm ang swerte niyo naman!! XD hahaha


Sa mga nanliligaw

Ito ang advice ko sa inyo lyrics ito ng kanta pero maganda ang message nito.

“ Don’t tell her she’s the reason that you live Don’t give her everything that you’ve got to give If you wanna keep the girl as long as you live (you’re) just breaking apart her heart”


Oki ahm,, ung (you’re) ako lang nag lagay niyan. Ayan, explain ko oki?? Ang ibig sabihin ng first line ng lyrics na “Don’t tell her she’s the reason that you live” besides na corny na siya at masyadong “OLD SCHOOL” na panliligaw eh, Di siya totoo. Bakit? Pag ang babae/lalake na mahal mo ay pinatay ko o namatay, mamatay ka din ba? Hindi naman diba? Pwera nalang kung isasama kita sa hukay niya or sabay kayong namatay dahil sa aksidente. Dahil marami pang lalake/babae jan at hindi ka mawawalan! Kaya wag na wag mong sasabihin yan sa babae! Kasi pag sinabi mo yan.. ehem girls “Sinungaling! Liar! Mentiroso!” ang lalaki na mag-sasabi sa inyo niyan. Vice versa nalang :D

Second line :D “Don’t give her everything that you’ve got to give” ayan! Nabiktama ako ng linyang yan! Masyado akong mapag-bigay ng kung ano-ano sa babae na yun! Peste siya! Bwahahaha >:D hehe. Madalas may mga taong galante masyado sa panliligaw na siya na nga ang naglo-load sa tao, Siya pa gumawa-gawa ng project at assignment, siya narin ang sumasagot sa gastusin personal ng taong yun at siya pa ang pina-pagalitan ng taong yun pag nag-kamali! Ang kapal ng mukha! Ayan ang mga taong tinatawag na “Moneysite o Perasite sa tagalog” para itong parasite na kumakapit lang sa taong mapera. Aakitin ito at lalandiin tapos sa huli papa-iyakin lang ang taong yun. Kaya warning mag ingat kay “CRYSTAL ANGELES” yan ang pangalan nung nanloko sakin >:D





Third line :D “If you wanna keep the girl as long as you live, (you’re) just breaking part her heart” ayan! Sa mga taong martir na di marunong maki-ramdam sa paligid niya. Kung talagang ayaw na sayo ng taong yun, pakawalan mo na siya pwede? Para kang tanga eh! Para kang nag-aalaga ng aso na di naman ikaw ang kini-kilalang amo diba? Speaking of aso ang cute nitong aso sa gilid ko habang nag ttype ako nito, ung office assistant at ang name niya ay “ROCKY” oh yeah! At may 21 siyang animation! How cool?! Hahaha! Dahil hindi na pag-mamahal ang nararamdaman mo niyan kundi “L” na yan. Kung mahal mo talaga ang isang tao. Kahit anong desisyon ang gagawin niya, susuportahan mo siya at kahit na ang kapalit pa nito ay ang pag-papakawla sa kanya!
Ooooooopssss!!! 22 pala ang animation na kayang gawin ni ROCKY!! Oh yeah!!!!!


Sa mga lovers

Relationship- re-la-tion-ship
[ri-ley-shuh|n-ship]
noun./rɪˈleɪ

a connection, association, or involvement.

connection between persons by blood or marriage.

an emotional or other connection between people: the relationship between teachers and students.

a sexual involvement; affair.

May nakikita ba kayong “Cheat on your partner in a relationship?” wala naman diba? Kaya ang payo ko sa mga magsing-irog jan, ehem pumirmi ka na sa ka-relasyon mo! Kung oras ang pinag-aawayan niyo, ay hindi naman tama yan. Promise, kasi kahit ano pang-gawin ng isang tao , Ikaw parin ang iniisip niya! Kahit nag do-dota kame o nag ra-raragnarok, nag frie-friendster o nag fa-face book. Nag you-youtube man o nag tu-tube8. ikaw parin ang na-iisip niya. Kaya wag na wag kang magagalit kung nawawalan ng time yung partner mo kasi ikaw parin ang iniisip nya. Ikaw at ang pusta niya.



Para sa lahat!!

Ano nga bang connect ng introduction ko sa kwentong ginagawa ko?

Di ko kasi alam kung ano?! Kayo baka alam nio pasabi naman :D. ah basta love story itong kwento na ito. Love story na may halong ka-weirdohan ng buhay at ng mga tao. Basta love is blind all the time :D
Hahahaha… enjoy nalang kayo sa kalokohan kong ito!!!!



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

3 comments:

HIdanskie said...

hmmm aus toh ha,,, gwapo daw ung blogger na toh!!! pati sa mga pics i took to some convention andun cia.... isang malaking TSK hehe... nice

Shen Brood said...

Sinong blogger po ba? ehehehehe XD

Marc Kevin Frondozo said...

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!!

For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/