Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, October 5, 2010

The Angono Petroglyphs and Angono Pedroglyphs


Marahil ay marami na rin ang nakakaalam na nasa ating bansa ang isa sa pinakamatandang pamamaraan ng komunikasyon at pag-uki sa mga bato. Ito ang tinatawag na Petroglyphs. Matatagpuan ang nag-iisang lugar kung saan nadiskubre ang Angono Petroglyphs sa Angono, Rizal noong 1965 ng sikat na pambansang artista (artist... hirap ng Tagalog eh) na si Carlos "Botong" Francisco. Subalit dahil sa kapabayaang nangyari ay naging biktima ito ng mga magsong-irog at kulang sa pansin na Pinoy na gumawa ng kanilang mga sariling ukit na tinatawag namang "Pedroglyphs."

Salamat na lang at noong 1973 a pamamagitan ng Presidential Decree No. 260 ay nadeklara bilang pambansang yamang pangkultura ang Angono Petroglyphs. Mula noon ay isinaayos na ang lugar upang maging isang mini-museum at maging isang lugar ng karunungan para sa mga mamamayan. Tiningnan din at binigyang pansin ang posibleng maging epekto ng pagquarry naman na ginagawa sa kalapit na lugar.


Ang pangangalaga ng Angono Petroglyphs ay pinagtutulungan ng Pambansang Museo ng Pilipinas (National Museum of the Philippines), the Department of Tourism, World Monuments Fund, American Express at ng isang Philippine real estate company.



Sa pamamagitan naman ng pagkilala at pagbibigay pansin na ginagawa ng mga negosyo tulad ng Thunderbird Resort and Casino ay mas napapalapit naman sa tao at sa iba pang bisita ang kaalaman ukol sa Angono Petroglyphs.

Sa susunod ay atin namang pag-uusapan kung ano ang ANGONO PEDROGLYPHS.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: