Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, October 5, 2010

The Angono Pedroglyphs (A Modern Petroglyphs)


Andito pa rin kami nina Azrael,Don at iba pa (sensya na di ko pa memorize mga pangalan ninyo kaya wag muna kayo magpapaexam) sa Thunderbird Resorts Blogger Tour kasama ang magagandang sina Ms. Nica at Ms. Princess. Ngayong araw na ito ay excited naming pinuntahan ang Angono Petroglyphs. Syempre todo handa ang mga camera at sa unang kweba na puno ng mga sulat ay hinanap namin ang sinasabing mga drawing ng sinaunang tao na noon pa raw 3,000 B.C.

Ang mga sulat pala nila noon ay may mga "I LOVE YOU", "JESUS and GINA FOREVER" at marami pang iba. Sabi ko sayang naman natabunan na ang mga tunay na Angono Petroglyphs at ang natira ay ang ANGONO PEDROGLYPHS. Ang Angono Pedroglyphs ay mga vandalism ng mga makabagong tao na nais maparating sa iba pa ang kanilang nais sabihin o minsan ay mga taong KSP na gustong makilala at tumatak sa mga darating na panahon ang kanilang sulat.


Buti na lang at hindi pala yun ang tunay na Angono Petroglyphs kundi isang freedom wall para sa mga gustong gumaya sa mga sinaunang tao na gumawa ng Angono Petroglyphs. Anung malay natin sa darating na panahon ay tourist spot na rin ang mga simbulo ng pagmamahalan ni Kadyo at Tikya.

Narito ang aming maling akala at pagkatuklas sa Angono Pedroglyphs.



Narito po ang totoo at authentic na Angono Petroglyphs.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: