Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, October 5, 2010

Namatay ang Aming Minamahal... (A Cat's Death)

Namatay ang aking minamahal na pusang si Tsunami ngayong araw na ito. Nalulungkot ako dahil wala ako sa kanyang tabi nang siya ay pumanaw.

Marami sa mga Pinoy ang mahilig mga alagang hayop. Marami sa atin ang may pusa o di kaya ay aso sa bahay. Todo tayo kung magmahal ng hayop pwera na lang ang mga hayop na kumakain ng hayop... medyo magulo ata yun pero may mga ganun talaga.

Magpopost sana ako ng tungkol sa Angono Petroglyphs, peero ng makita ko ang balita tungkol sa pagkamatay ng aming minamahal na pusa na si Tsunami ay ito ang una kong naisip na ilagay. Napakabait at noong una ay napakataba ng pusang ito pero nitong mga nakalipas na linggo ay tila naging malungkutin siya at matamlay. Hindi naman namin alam kung ano ang nangyari sa kanya kaya wala kaming magawa. Iniisip ko nga baka nagtatampo dahil wala pa rin siyang girlfriend hanggang ngayon.

Ngayong araww ngang ito ay pumanaw na si Tsunami at nakita siyang naninigas sa ilalim ng papag. Nakakaawa at nakakaiyak... buti na lang hindi na kailangan ng kabaong at punerarya ng isang pusa kaya walang naging problema.

Tila parang buhay din naman ang nangyaring ito na ibig sabihin ay maaaring kunin sayo anumang oras ang taong minamahal mo.


Paalam Tsunami at sana ay naging masaya ka noong buhay ka pa.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: