Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, November 23, 2010

Sino may Kasalanan sa Ampatuan Massacre of 2009? (Who's the Mastermind in the Ampatuan Incident of 2009)


Kailangan pa ba IMEMORIZE yan? Usad pagong na naman ang hustisya sa Pilipinas. Napakalinaw na kung sino ang may kasalanan sa pagkamatay ng 58 tao at dito 37 ang mga mamamahayag. Pinatay ng karumal-dumal, pinagsamantalahan at binaboy ang bawat isa. Walang awa at walang puso ang gumawa nito. SINO ANG MAY KASALANAN? Walang iba kundi ang Ampatuans ng Maguindanao.

Sabi ng DOJ kaya raw mabagal ay dahil marami raw ang mga akusado. Dahil nga ba marami ang mga akusado o dahil maraming pera at maraming baho na mauungkat dahil sa mga akusado? Kilala natin si Secretary Leila Delima. Siya ang tao na walang sinasanto at basta mali ay mali... subali't may magagawa ba sya kung siya ay sasakalin ng bulok na sistema ng lipunang ito.

Paano pa ang mangyayari sa isang karaniwang tao na mapapatay kung ang mga kriminal at krimen na masyado ng halata ay napakatagal pang masolusyunan? Sana nga lang may parusang kamatayan para ibitay lahat ng mga maysala sa Ampatuan... o kaya ipakagat sa langgam hanggang mamatay.

Isang taon na pero wala pa ring napaparusahan... baka naman limampung taon na eh wala pa rin.

Gising! Gising!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: