Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, November 9, 2010

Sawa na Ako sa Pulitika! (I Am Tired of Philippine Politics)


Anim na buwan na ang nakakaraan nang ako ay bumoto sa halalang pampangulo at anim na buwan na rin ang nakakaraan ng ako ay tila manlamig sa kalakaran ng pulitika sa bansang ito. Dati sinasabi ko na may pag-asa pa tayo at magiging mas malinis pa ang ating halalan subalit ng makita ko ang nangyari sa barangay at SK elctions aking nasabi sa aking sarili na wala na nga sigurong pag-asa.

Sa Pilipinas ay nabibili na ang boto. ANg presyo ng bawat boto ay mula isandaang piso hanggang limandaang piso. Kahit sa SK uso na rin ang bilihan at pagpapainum o pagbibigay ng alak kung may birthday o okasyon. Kung gusto mong maging pinuno ng pangkabuuang SK ay dapat ka ring maglagay sa iyong mga kapwa SK kung gusto mong manalo.

PERA, iyan ang kapangyarihan sa eleksyon. Bakit ka pa boboto at bakit ka pa maghahangad maglingkod kung ang mananalo rin lamang ay iyong mga kandidatong walang habas na namimili ng boto at binabastos ang eleksyon.

Bagong partido ba ang solusyon? Para sa akin ang solusyon lamang dito ay talagang mauntog ng sobrang lakas ang mga Filipino yung tipong marami ang mamamatay o mauubos para lamang magising sa katotohanan na dapat hindi nabibili ang boto at dapat naipapakulong ang mga gumagawa nito.

Boboto pa ba ako? Ewan ko hindi ko alam... baka nga hindi na eh. Nakakatamad lang bumoto at nakakasuka na ang pulitika sa ating bayan.

Hindi po ako pagod na maging si Juan sapagka't ipinagmamalaki ko na ako ay Maharlika... subalit isinusuka ko ang mga mamamayan at pulitikong nagiging bahagi ng isa sa pinakamalaking sindikato sa pamahalaan... ang katiwalian.

I AM SICK AND TIRED OF PHILIPPINE POLITICS AND POLITICIANS!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: