Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, December 14, 2010

Ang Tunog ng Kuliglig

Bakit nga ba pinagbawal ang Kuliglig sa Maynila? Bakit ba kailangan pang wasakin ang mga ito at ipagtabuyan ang mga diver nila? Tama ba ang ginawa ni Manila Mayor Alfredo Lim? Ano ang rason at dapat silang patigilin sa pagbyahe?

Sabi ng mga pulis at ni Mayor Lim ang pangunahing dahilan daw sa pagtatanggal sa mga Kuliglig ay ang madalas daw na paggamit ng mga sasakyang ito sa mga krimen tulad ng snatching, pagnanakaw at holdap. Pero dapat nga ba na lahat ay idamay at pagbintangan na mga kriminal?

Nang iutos ni Mayor Lim na ipatigil ang operasyon ng Kuliglig ay nagprotesta ang libo-libong mga driver. Di sila umalis hanggat di nakakausap si Mayor Lim, subalit sa katigasan ng ulo nila ay napalis sila ng tubig, nabugbog at nawasak ang kanilang mga Kuliglig. Nais lang naman nilang kumita at mabuhay subalit sa isang iglap ay nawasak ang kanilang kabuhayan. Mas magandang magtrabaho ng marangal kaysa magnakaw at gumawa ng masama dahil sa gutom hindi ba?



Pero yan nga lang ba ang dahilan upang sila ay alisin sa kalsada?

Ang orihinal na Kuliglig
Sa panunuod ko ng iWitness ngayong gabi ay makikita ang mga peligrong hatid nito.

  • Iisa lamang ang preno nito na maaaring hindi kumagat kapag umuulan.
  • Hindi balanse ang Kuliglig kaya peligroso sa aksidente.
  • Mahirap imaniobra
  • Maliit ang makina at maaring tumirik anumang oras
  • Peligroso para sa ibang sasakyan dahil wala itong mga tamang ilaw tulad ng head light, tail light at iba pa.

May point ang pamahalaan pero siguro hindi na dapat nabugbog pa ang mga drivers hindi ba? Dapat din siguro kinausap na lamang ni Mayor Lim at napaliwanagan ang mga Kuliglig Driver ng sa gayon ay hindi na lumala pa ang problema.

Ang mahalaga sa lansangan ay kaligtasan ng lahat. Kung papatayin natin ang trabaho ng isang sektor ng lipunan sana man lang ay may ibibigay din si Mayor Lim na alternatibo sa kanila. May mga pamilya ang mga ito na umaasa sa kanila sa pang araw-araw na buhay.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: